Chapter 13 Box of Chocolates

65 1 1
  • Dedicated kay Angeline Tamaray Calimag
                                    

Salamat sa boto Angeline! wahehehe :) ... denedidicate ko sayo lahat ng chapters!! WooT :D

Soundtrack for this chapter: Season of the Witch by Donovan (click multimedia to listen 

Kung hindi ko tiningnan ang relo, di ko titigilan maglaro ng dota. Hindi ko namalayan na mag-aalas tres na ng madaling araw.

Pinatay ko ang computer at tumayo upang kumuha ng tubig sa ref. Dyahe, di pa pala ako naghahapunan, di pa rin pala ako nakapagbihis.

May tunog akong narinig na nanggagaling sa pintuan.

Ding-dong! Doorbell? Akin ba yun?

Sa ilang taon kong pag-stay dito sa apartment, ngayon ko lang nalaman na meron pala akong doorbell.

At sino naman ang pupunta dito sa ganitong oras? Si Mama? Siguradong tatawag muna yun at sigurado ding hindi ganitong oras yun darating. Yung landlord? Sa pagkakaalam ko, nagbayad na ako ng upa at sobra naman kung ganitong oras siyang maniningil.

Bahala na kung sino man toh...binuksan ko ang pintuan.

"Dominic?" nakatayo si Dominic sa labas na may mga bagahe. "San ang punta mo? Tuloy ka..."

Tumuloy si Dominic sa loob umupo sa may sofa habang naghahnap ako ng pagkain sa kitchen.

GRRRR... sabi ng tyan ko.

"Dominic, may pagkain ka ba dyan?" tanong ko sa sakanya.

Ang sama ko talaga, pinalayas na nga yung tao, hinanapan ko pa ng pagkain.

Nagtungo kami sa grocery na bukas 24 hours upang bumili ng pagkain. Kumuha ako ng egg sandwhich, tuna sandwhich, hotdog sandwhich at lahat ng klase ng sandwhich.

"Anong gusto mo?" tanong ko kay Dominic na tahimik na nakatayo at naghihintay sa may pintuan.

"Yosi na lang Con!"

Kumuha ako ng isang pack ng yosi at apat na beer dahil mukhang kailangan niya ito.

Para tuloy akong naglilihi sa dami ng binili kong pagkain sa ganitong oras.

"Hindi niya ako matanggap kaya pinalayas niya ako at hinataw pa ako ng dos por dos."

Linagok ni Dominic ang beer habang kumportableng nakaupo sa malambot na sofa samantalang ako ay nakikinig habang lumalamon at nasalampak sa carpet.

"Con, buksan ko yung bintana, yosi lang ako saglit."

"Sige pare, hindi sayo bagay ang pare....sis!"

Pinatay niya ang aircon at naghubad ng tshirt na kitang kita ang kumpletong six pack pero nung tumalikod, may dalawang latay ng dos por dos.

Umupo siya sa may bintana at nagsindi ng yosi. Hindi naman sa kanya halata na bakla siya, wag lang siyang magsasalita.

"Okey lang bang dito muna ako? Di bale, babayaran na lang kita sa upa, may ipon pa naman ako."

"Wag na! Ibaon mo na lang yan sa school!"

"Okey lang ba talaga Con? You know naman na bakla ako."

"Sis! Wala ka naman sigurong gagawin sakin? Hindi mo naman siguro planong halayin ako di ba?"

Tumawa siya sa sinabi ko at nag-iba na ang kanyang mood.

"Pramis! Hindi kita type!" natatawa niyang sinabi. "Di bale, maghahanap ako ng trabaho then aalis ako agad dito."

"Sabing okey nga lang. Wala naman akong kasama dito eh!"

"Salamat talaga Con, nagaalala lang naman ako sa iisipin ng ibang tao."

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon