Chapter 6 Queen of Omelet

85 1 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: I Bet you Look Good on the Dance Floor (click multimedia to listen)

Habang bumibili ako ng ballpen sa labas ng campus, may low pressure area na dumating sa Conrad James Tomas area of responsibility.

“Yosi!” sabi ng low pressure na magiging bagyo na tatawagin nating Sylvester.

Sinindihan niya ang sigarilyo, humithit, bumuga! Wow! Yeah…. Lumakad nang parang isang hangin palayo sa kinatatayuan ko.

Tinitingnan ko siya habang siya’y palayo. Wow! Yeah! Heaven!

Yan si Sylvester tambayan niya ang University. Fine arts student daw, yung iba ang sabi, liberal arts. First year pa lang ako, nandito na yan, hanggang ngayon nandito pa rin! Professor na ata!

Rockstar ang dating ng Sylvester na yun. Kaya yun ang pinagmamayabang niya. Yung banda niya. Eh sa pagkakaalam ko, hindi naman siya ang bokalista, hindi rin siya ang gitarista, at hindi rin siya ang humahawak ng drums. Siya yung sa tambourine.

Pero kung umasta eh noh! Kung maglakad kala mo sa kanya buong daan, kung maka yosi kala mo tambutso, kung maka long hair kala mo naman straight! Pero ngayong uso na ang rebond, medyo  straight na.

Slowly walking down the hall…Faster than a cannonball….

Where were you while we were getting high?….We were getting high….We were getting high…

(Excerpt from Champagne Supernova by Oasis)

Excited na ako sa initiation na matitikman ni Portia.

“Hi Baho!” greet ko kay Portia ng makita ko siya sa hallway.

“Hi Mr. Ubod-ng-yabang-sarap-patayin-now-na!”

“Initiation mamaya!”

Inirapan niya lang ako.

“Ano na naman yang pinagsasabi mo kay Portia?” biglang sulpot ni Jaymee.

“Nandiyan ka pala! Hindi kita nakita, ang liit mo kasi eh. Bakit wala ka sa meeting kahapon, gusto mong isali kita sa initiation?”

“Freshman ba ako?”

“Absent ka eh!”

“Conrad, favor naman oh..”

“Alam ko na yan! Ayoko!”

“Conrad! Lilibre kita ng lunch.”

“Kahit saan?”

“Kahit saan agad eh noh? Porket may word na libre.”

“Oh di wag!”

“Dali na kasi!”

“Ano nga yun?”

“Ang hirap kasi ng assignment ko sa Calculus, eh di ba sisiw lang sayo yun, kasi ang tali-talino mo, pakigawa naman oh”

“Oi thank you ah, pero alam mo, alam ko ng matalino ako, nun ko pa yan alam.”

“Wait, may bago ba sayo? Parang ang pogi mo ngayon?”

“Araw-araw naman akong pogi eh, hindi lang naman ngayon.”

“Chanel no. 5 ba yang pabango mo, ang bango mo ngayon ah!”

“Sus! Alam mo namang allergic ako sa pabango, hindi ako nagpapabango, natural scent ko yang naamoy mo!”

“Okey na ba? Gawin mo na okey! Hydrocephalus na yang ulo mo oh! Ang daming compliment na nun! Tapos lilibre pa kita! Sobra na ah!”

“Sige na pag may kailangan ka sa akin, sobrang dami mong sinasabi pa!”

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon