Chapter 24 The Alcoholic

46 1 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Helicopter by Bloc Party

“Come on! Hindi namang pwedeng i-drop mo yun!” sabi sa akin ni Portia ng magkita kami for the first time ngayong Linggo.

She spends her Sundays sa apartment ko para maglinis at maglaba ng mga damit. 6 days na hindi kami nagkita ni Portia felt like forever. After ng stressful at nakakapagod na internship sa ‘The White Stripes’ na office na yun, ito yung pinakamagandang gawain ko to relieve the stress and frustrations na nangyare.

“Wala ka namang magagawa! Ano namang gusto mo? Ikaw agad yung boss. Ganun talaga kapag intern!” sabi ni Portia habang vinavacuum ang carpet habang mukha akong kawawang nakahiga sa may tapat ng pintuan.

Kung alam mo lang kung paano pagnasahan ng mga matronang babae! Nung una, si Chloe, sabay si Ms. Engrasia, tapos si Ms. Crisostomo tapos lahat na sila ngayon kahit yung mahilig sumigaw na si Ms. Virginia. Laging may awkward moment na everytime na uutusan nila ako, hinahawakan nila ang pwet ko.

It’s sexual harassment. Pwede ko silang idemanda! Pero ano naman ang laban ko? Silang lahat laban sa akin at nakasalalay pa ang grades ko dito!

“Tiis tiis na lang muna, okey.” Words of encouragement ng aking girlfriend habang nilalapit niya ang vacuum sa tenga ko. “I know what will make you feel better, cucumber salad with lemon dressing!”

Saturday at Sunday lang ang araw na hindi ko nakikita ang mga kababaihang mapupusok na nagtatrabaho sa engineering firm. At yung dalawang araw na yun, madali lang dumaan sa akin. It’s just 48 hours tapos Monday na naman, ang least favorite kong araw.

Wala na naman akong gagawin kundi mag-xerox, magtimpla ng kape at ipa-enjoy ang mukha ko sa mga matronang babae.

“HEEEEYYYY!” sabi ng isang babaeng pumasok sa office na susuraysuray sa paglakad, magulo ang buhok, magulo ang damit at parang hindi makalakad dahil sa kalasingan.

Sino naman toh?

“Ma’am Sera!” sabi ni Chloe at binuhat siya sa pagkakahandusay sa tapat ng reception desk.

Sera? Siya ang may-ari ng firm?  Itong lasenggerang babae na toh?

“Intern! Buhatin mo si Ma’am!” utos ni Ms. Crisostomo.

Binuhat ko naman si Ma’am Sera at dinala sa kanyang sariling office. Pinahiga ko siya sa couch habang hinuhubad niya ang kanyang high heels.

Kwenelyuhan ako ni Ma’am Sera at linapit ang mukha ko sa mukha niya.

“You are…”

“Conrad Tomas, intern po ako!”

Napaka-awkward ng eksena dahil sa malapitan ang mukha ko sa mukha niya.

Kung hindi siya lasing, maganda naman siyang babae. May mahabang buhok, mestisa, matangkad, maganda ang hubog ng katawan at mukhang bata pero hindi siya normal na nilalang dahil sa eksena niya ngayon.

Inutusan ako ni Ma’am Crisostomo na ipagtimpla siya ng kape. Pagdating ko naman sa office niya, nandidiri sila sa ginawang pagsuka ni Ma’am Sera sa couch at syempre, ano pa bang trabaho ko kundi linisin ang suka niya all over the place.

Kung meron man akong maisusulat sa papers ko tungkol sa internship, ito ang mga bagay na natutunan ko; Ang maglinis ng glass table, mag-arrange ng upuan, magtimpla ng kape gamit ang coffee maker, magfax, magxerox ng mga papel at maglinis ng suka at magpakalma ng babaeng laseng.

“Can I sit here?” tanong ko kay Chloe nung lunchbreak.

“No, you can’t. Hindi naman kita boyfriend eh!” sagot niya.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon