Chapter 34 Impending Doom

41 0 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Firewood by Regina Spektor

 

“What should I do?” tanong ni Priscilla habang nakatayo kaming dalawa sa hallway.

Stressed ang mukha niya na hindi na nag-abala mag make up at medyo mukhang minadali ang pagtali ng buhok niya na parang hindi niya sinuklay.

Ano bang dapat niyang gawin? Ako pa ang tinanong niya.

“Alam mo na ang tama at ang mali. So, go figure it out.”

“I know you’re still mad pero please, wag mo muna akong isnabin ngayon at kausapin mo muna ako tungkol dito sa problema ko.”

“Bakit hindi mo itanong kay Portia? She knows what to do.” Tumalikod ako.

“Conrad! Please!”

“Just stay out of it!” pasigaw kong sinabi na may konting tono ng pagkainis. “Masaya na siya sa piling ng magulang niya. Napatawad na niya ang tatay niya. Siguro patatawarin ka rin niya pero hindi ito yung tamang panahon para magkausap kayo. And don’t worry, pinalaki siya ng maayos ni Tita.”

Tuluyan ko na siyang iniwan na nakatayo sa hallway.

Ilang taon na ba siya? Hindi niya pa rin alam ang gagawin niya sa mga ganitong sitwasyon. Nakakainis lang kasi pinuntahan niya pa ako dito para lang itanong sa akin kung anong dapat gawin para masolusyunan ang sarili niyang problema. May issue pa naman kami tapos nakita pa ni Chloe. Ang mga utak pa naman ng mga tao dito makikitid.

Si Priscilla, masyado siyang… hindi ko maisip yung eksaktong adjective para madescribe siya. Pwede na siguro yung bobo o siguro selfish.

Napakaliit naman ng mundo para pagkonek konekin ang mga taong involve sa issue. Imagine, ako ang nagbuklod sa kanilang lahat. Pero sabi nga nila, ang isang sekreto, hindi mananatiling sekreto habang buhay. Maganda na yung malaman ni Portia ang tunay niyang pagkatao. Ang maganda dun, isa lang siyang ampon at hindi tunay na serena.

Medyo naguilty ako sa ginawa ko kay Priscilla. Malamang maglasing na naman yun. Bakit kasi ako lang ang kaibigan niya?

Hindi ko siya matiis at nung lunchbreak, tinext ko siya para magkita kami sa isang fast food chain malapit sa building.

“I was seventeen when I had her.” Isinalaysay ni Priscilla ang biography ng buhay niya.

“Unica hija ako ni Papa. Meron kaming malaking sakahan sa probinsiya. Ang nanay ko namatay noong sinilang niya ako. Kaya lumaki ako na mga katulong ang nagbabantay sa akin. Lahat ng gusto ko binibigay ni Papa. Nung highschool ako, madalas akong lumiban sa klase, pumupunta ako sa mga barakada ko and we go out and party. Nakilala ko si Carlito, ang tatay ni Portia. Lasing na lasing ako nun at nasuka ako sa CR at CR yun ng mga lalaki, sa sobrang kalasingan ko hindi ko na nakita yung sign sa labas ng CR. Siya ang nag-akay sakin. Yung mga barkada ko, iniwan na nila ako kaya humandusay na lang ako sa loob ng banyo at dun na magpalipas ng gabi.

Uminom siya ng kape.

“Ginigising niya ako at tinatanong niya kung saan ako nakatira. Sa sobrang lasing ko, hindi ko siya inimik pero nagtimpla siya ng kape at pinainom sa akin. Nang medyo mawala na ang kalasingan ko, tinanong ko siya kung nasaan na ang mga barkada ko. Umalis na daw sila at sinabi niyang magsasarado na siya ng bar pero nag-offer siya na ihatid ako sa bahay namin. At dahil madaling araw na, sabi niya tumuloy na lang muna ako sa isang motel at doon na lang muna magpalipas ng gabi.”

“Lumipas ang mga araw, naging magkaibigan kami ni Carlito. Nagtatrabaho siya sa bar at araw araw naman kaming gumigimik dun dahil yun lang naman ang bar sa bayan. Nagkakausap kami tungkol sa mga buhay buhay namin at sinabi niyang anim na taon na siyang kasal pero hindi sila magkaanak. Nasaktan ako dahil sa pag-amin niyang may asawa na siya. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan, dun ko lang nalaman na may gusto na pala ako sa kanya. Iniwasan ko na siya nun dahil pamilyadong tao na siya pero dumating sa puntong namiss ko siya ng sobra at inisip kong hindi siya masaya sa asawa niya kaya inamin ko sa kanya na gusto ko siya at dun nagsimula ang affair namin.” 

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon