The Girlfriend

48 0 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Now at Last by Feist

“If you leave it’s over!” ang sabi ni Conrad habang pinipigilan niya akong magwalk out sa coffee shop na siyang naging tagpuan namin.

Nagawa ko na toh dati sa dati kong mga boyfriend, ito na rin ang ginawa sa akin ni Dominic, pero sa lahat ng break-ups ko, ito ang pinakamasakit.

Pumara ako ng taxi at iniwan na ng tuluyan si Conrad. Habang binabaybay ang kamaynilaan, naisip ko ang pag-uusap namin nung nakaraan…

“Sira ka pala eh! Bakit ka nag-engineering?” tanong niya sa akin habang naka steady sa akin ang mga mata niya.

“Kasi maganda siyang pakinggan! Kapag tinatanong ako ng mga pinsan at ng mga kapitbahay namin kung anong kinukuha ko, kapag sinabi kong engineering, feeling ko, ang tali-talino ko!”

“You mean, ginagamit mo lang ang engineering para may maipagmayabang ka? How could you?!”

“I hate math!”

“Ouch! If you hate math, parang you’re also saying you hate me! Please don’t say that! That’s really hurtful!”

“Ang hirap kasi niyang intindihin eh!”

“If you hate math, bakit tinutuloy mo pa rin ang course mo. Magshift ka na sa lalong madaling panahon kasi once you said you hate math, math will also hate you!”

“Sayang naman yung tuition ko. I have no choice but to finish this semester at kailangang maipasa ko lahat para hindi masayang.”

“Kung magshi-shift ka, anong kukunin mo?”

“Culinary arts! Gusto kong maging chef!”

“Bakit hindi yun ang kinuha mo?”

“Ngayon ko lang naisip na yun ang gusto ko eh.”

Ang irony ng pag-uusap namin tungkol sa math ay hindi na tungkol sa math kundi tungkol na sa aming dalawa.

Bakit ko siya naging boyfriend? Ang rason ay parang katulad din ng rason kung bakit ako nag-engineering.

Hindi naman mahirap mahalin si Conrad, at siguro minahal ko din naman siya pero ngayon ko lang naisip na hindi ko kaya. Nung sinabi niyang may opurtunidad sa New York, alam kong gusto niyang pumunta dun. Mas magiging masaya ako kung aalis muna siya, kung susundin niya ang kapalaran niya.

I hurt him. Alam kong nasaktan ko siya pero naisip ko ulit yung sinabi niya dati..

“Alam mo ikaw, simula ng makilala kita, lagi na akong minamalas!”

Naalala ko yung sinabi niya habang duguan siya at nakahandusay sa kalsada nung bugbugin siya ni Sylvester.

Marahil ay tama siya, malas ako sa buhay niya. Hindi siya nakagraduate at hindi siya naging cum laude.

Naisip ko na ang makipagbreak nung sabihin niyang may offer sa kanya sa New York. Lalo pa akong nadepress nung malaman kong bumagsak lahat ang subjects na kinuha ko.

Yung isang taon ko sa college, nasayang lahat dahil sa kabobohan ko. Siguro mas maganda kung maghiwalay muna kami at ayusin ko muna ang sarili ko, aalamin ko muna kung anong gusto ko ng mag-isa.

At siguro kung bumalik man siya dito..

“If you leave, it’s over.”

Marahil ay wala na siyang babalikan pa. Nasaktan ko siya.

“Pa, nandito na ako!”

Pagdating ko sa bahay, wala si Papa sa garden, kinuha ko kaagad ang vacuum at nilinis ang living room. Nilinis ko ng nilinis ang living room, ilang minuto kong vinacuum ang paligid at pinunasan ng paulit ulit ang figurines.

Lumabas si Papa mula sa kitchen.

“Anak, may problema?” tanong niya sa akin ng nakangiti.

Siguro bumili na naman siya ng paging gnome at masaya ang mga mata ng Papa ko.

“Wala naman po. Pa, bumili ka na naman ng gnome noh? Bakit abot tenga ang ngiti mo?”

Maya maya pa, may babaeng lumabas sa kitchen..

“Ma?”

Ang Mama ko bumalik na!

Nakangiti siya sa akin at dahan dahang lumapit hindi para yakapin ako, kundi para patayin ang vacuum na maingay sa living room.

“Mama?” tanong ko ulit.

Nagdadalawang isip akong lapitan siya para yakapin at halikan at wala akong magawa kundi umupo sa sahig at umiyak na parang bata.

“Sorry Ma!”

Lumapit siya sa akin at niyakap ako at humagolgol ako sa kakaiyak. Lumapit din si Papa para makisali sa group hug.

“MAMA!” iyak ko na parang bata na nawawala sa mall.

Yung debut ko ang pinakamasayang araw ng buhay ko dahil yun yung mga panahon na kumpleto pa kami pero ngayong nandito na ulit si Mama, masaya na ulit.

Ang gabing yun, parang ang tagal matapos. Magkatabi kami ni Mama sa pagtulog habang nagkikwento ako sa kanya sa mga tsismis na namiss niya nung wala siya dito.

Back to normal na ulit ang buhay namin. At nagpromise ako na magiging mabuti na akong anak, wag lang ulit umalis ang nanay ko.

All’s well that ends well, I suppose. May nawala ngang tao sa buhay ko, meron naman bumalik. Yun din sana ang mangyari kay Conrad, sana maging maayos ang trabaho niya sa New York. Sana makahanap siya ng taong magpapaligaya sa kanya at mamahalin siya.

“Anak, tumawag si Jaymee, ngayon daw ang alis ni Conrad. Hindi ka daw ba magpapakita sa kanya?” tanong ni Mama habang naglilinis ako ng kwarto.

Hindi ko na kailangan magpakita kay Conrad.

It was already over when I left him.

Binuksan ko ang cellphone ko dahil ilang linggo ng naka-off, 36 message from Conrad.

Binasa ko ang isa.

Portia, ngayon ang flight ko papuntang New York. Pwede ba tayong magkita kahit saglit lang? Gusto kong makita ka, bago ako umalis. Please..

Kasabay ng malungkot na kanta ni Feist, melancholy tune of her voice, tumulo ang mga luha ko habang yakap ang vacuum.

I did the right thing na hindi na sa kanya magpakita. This is the best thing I’ll do for him.

I’ll miss you Conrad.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now