Chapter 35

19.9K 204 105
  • Dedicated to Wattynerd
                                    

Chapter 35

    "Wow, ang ganda naman ng mga babies ninyo, SIr, Ma'am!" gigil na gigil na bulalas ni Inday, isa sa mga kasambahay nila sa mga sanggol na karga ng mga yayas.

    "Siyempre naman, saan pa magmamana ang mga iyan. Ang ganda kaya ni Ma'am Celine at pogi si Sir," sabi naman ni Poleng.

    "Totoo ka diyan!" sang-ayon ni Inday.

  Kararating lang sa mansyon nila Liam, Celine kasama ang mag-asawang Romulo at Carmela pati ang dalawang yaya na mag-aalaga sa kambal. Nadischarged sa ospital si Celine pagkaraan ng limang araw na pamamalagi sa ospital pagkatapos manganak.

   "Hon, ready na ba ang mga cribs sa bedroom natin?" tanong ni Celine.

  "Oo honey. May ipapakita kami sa iyo, hon. Sana magustuhan mo, regalo nila Mama at Papa sa atin," excited na sabi ni Liam.

   "Ano iyon?"

   "Basta," ngumiti si Liam sa asawa. "Hon, let me carry you upstairs para hindi ka na mahirapan umakyat, okay?"

    "Huwag na, Liam. Kaya ko namang umakyat," tanggi niya.

    "Let him carry you, hija," nakangiting sabad ni Carmela.

    "Oo nga, hija. Bumawi ka diyan sa anak ko," tudyo naman ni Romulo.

    Walang pag-aatubili na pinangko ni Liam ang asawa ng marahan.

    "Liam! Ang bigat ko na!"

  "Huwag kang mag-alala, honey. Kayang-kaya kita. Anong silbi ng ginagawa kong pagwowork-out sa gym natin," nakangisi nitong sabi.

     Napangiti na lang ang mga magulang ni Liam sa dalawa.

    Nagulat si Celine nang ibinaba siya ni Liam sa tapat ng pintuang katabi ng bedroom nila.

     "Lilipat na ba tayo ng bedroom?" nagtataka niyang tanong.

     "No, pero ito iyong surprise nila Papa at Mama sa iyo," misteryosong  sabi ni Liam. Tumingin ito sa mga magulang na sumunod sa kanila sa itaas.

     Dahan-dahang binuksan ni Liam ang pinto. Bumungad kay Celine ang napakagandang nursery na nakita niya sa buong buhay niya.

(Please look at the photo on your right).

    "Oh my, ang ganda!" bulalas niya.

    "Nagustuhan mo ba, hija?" tanong ni Don Romulo sa manugang.

    "Opo, Pa" Gustong maiyak ni Celine ng oras na iyon. Thank you God for giving me a very loving husband  and in-laws.  

   "Alam mo bang tinapos iyan ng interior design company that my parents hired in just four days," nagmamalaking sabi ni Liam.

      "Ha? Ganoon kabilis?" nagulat na wika ni Celine.

    "I guess as long as they get paid three times higher than the asking price, they would agree to anything," natatawang sabi ni Liam.

  "Thank you po, Papa, Ma. Napaganda po ng surprise ninyo," nanggigilid ang luhang baling ni Celine sa mag-asawa.  

  "We just want you to be happy, Celine," malumanay na wika ni Carmela.

     ""Hon, halika na sa kuwarto natin para makapagpahinga ka na," yaya ni Liam sa asawa.

Ikaw Ang Pangarap (Completed Story)Where stories live. Discover now