Labyrinth 27

9 2 0
                                    

Beast


Laine's POV

"And the KEY will help you to save your friends, guests! Find the key in this room!"

This game is just so hilarious! Just from the setting which is here in the pool area, with the creepy designs and a circus theme-- unbelievable! Hanggang saan pa ba ang dapat naming gawin at ipanalo para lang makalaya na kami? 

Ngayon ang susi na iyon ang makapagliligtas sa amin ni Jax. Iyon ang kailangan namin mahanap ngayon pero bukod do'n ay may isa pa akong hinahanap.. Isa-isa kong tinignan ang mga mukha ng mga kaibigan ko.

Totoo nga ba na may traydor sa amin?

Napabuntong hininga at napailing na lang ako ng maisip iyon. Nasisiraan na yata ako ng utak? Mas'yado na yata akong nagpapaapekto sa mga nangyayari! Sa tagal ng pinagsamahan namin at dami na ng napagdaanan namin ay napakahirap paniwalaan 'yon! Maaaring lahat naman sila ay inosente at walang kinalaman sa kung bakit kami nandito sa lugar na 'to, hindi ba? But looking at the whole picture of us, I feel that there's something wrong. It seems like there are missing pieces that I need to find on my own in order to solve it! Just to find 'who' it is.

Mula sa mga kaibigan ko sa ibaba ay itinaas ko ang aking ulo at inobersabahan ang lalaking nasa harap ko. Nakayuko ito at nakatingin din sa mga kaibigan namin sa ibaba na naghahanap ng paraan kung paano mahahanap ang susi na iyon. Ayaw kong maghinala, ayaw ko sa kahit na kanino sa kanila! Naramdaman yata nito ang bigat ng titig ko kung kaya ay ibinaling nito ang atensyon sa akin. Nag-aalala na itong nakatingin sa'kin ngunit habang nakatingin pabalik sa kan'ya ay pumasok muli ang mga katanungan at hinala sa isipan ko. Ayaw ko siya paghinalaan pero hindi ko din maiwasan dahil napapansin ko na may kakaiba sa mga ikinikilos niya nitong mga nakaraan. Dala lang ba 'yon ng mga nangyayari sa amin o may iba pa? May iba sa mga tingin niya sa bawat isa sa'min noong magkakasama kami. Pilit kong iniisip na baka pag-alala lang 'yon o hindi naman kaya ay pagiging mapagmasid lang pero para bang pinag-aaralan niya kami.. Naghihinala din ba siya sa grupo namin o kaya naman ay ---

"Ayos ka lang ba?" My train of thoughts stopped when I heard a low rough voice that sounds as if he has a sore throat. Jax's voice was full of sincerity that made me doubt my suspicions more! It made me feel guilty too... He couldn't do it, right? He can't betray us.

Marahan akong tumango at ibinaling ang paningin sa paligid, pinagmasdan ko ang lugar para lang ipakita sa kaniya na sinusubukan ko din na maghanap. Ayaw ko na maisip o maramdaman niya na pinaghihinalaan ko siya kahit na iyon ang totoo. Patuloy akong nag-obserba sa paligid dahil iyon din naman ang dapat kong gagawin, ang hanapin ang susi para makalaya na kami.

From the top, the hanged cards that are attached by the red strings show various colors. The most visible in these cards is the joker, and less of hearts, clubs, and spades. I didn't even have a glance of an ace card among them which somehow made me doubt.. I chose to just shrug it off and from looking at the colorful hanging cards, I bowed my head to have a sight of the pool.

Naramdaman kong nagsitaasan ang mga balahibo ko ng dumapong muli ang paningin sa pinakaibabang bahagi ng kinapapatungan ko. Napapikit ako ng mariin at pilit tinanggal sa isipan ang itsura ng mga nagsisilanguyang pirana. Para bang naghihintay lamang sila na mahulog ako! Huminga muna ako ng malalim bago muling idinilat ang mga mata. Pinagpatuloy ko ang ginagawa at inilibot ang paningin sa pool pero napahinto nang maaninaw ko ang kakaibang bagay sa bandang gitna nito. Napakunot ang aking noo at yumuko pa upang mas makita ito ng mabuti. Sa ibabaw nito ay may simbolo na makikita sa ace card kaya naman ay naisipan kong tumingalang muli sa itaas sa kisame. Nang tuluyan ko ng makita ang katapat ng tresure box ay nanlaki ang aking mga mata nang may mapagtantong kakaiba.. Hindi tulad ng ibang parte ng kisame ay walang nakasabit dito. May sapat na espasyo ito at agaw-atensyon ang isang simbolo na nakalagay dito na talagang kapareha ng nasa treasure box sa pool! 

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now