Labyrinth 19

39 8 10
                                    

"Untold Truth Behind A Happy Day"


Led's POV

 Pinunasan ko ang pawis sa noo nang huminto ako sa tapat ng isang pinto. Tumingin ako sa magkabilang gilid bago binuksan ang pangatlong pinto na nakita ko. Nagbabakasali na ito na ang hinahanap ko.

 "Tama nga ako!" napangisi ako kasabay ng pagsara ko sa pinto ng kwarto. Umikot ang mata ko sa paligid na puno ng mga computer. May shelve din ng libro at may bukas na kabinet na puno ng mga disk! May linya ng led lights sa bawat gilid ng kwarto. Kulay asul at bagay sa lugar dahil hindi naman ito gaanong maliwanag! May orasan pa na nakadikit sa itaas ng pader, kung saan naman ay nasa baba nito ay mga computer. Matapos pasadahan ang lugar ay umupo na ako sa upuan na kaharap ay mga computer. Apat ang mga ito sa isang hilera ng isang lamesa. 

Binuksan ko ang mga ito at kinapa ang aking bulsa. Nakapagtatakang iba na ang mga damit namin pero nandito pa rin ang cellphone ko. Nagtataka man ay ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at inilabas na rin. Susubukan ko na sana na hanapin ang lokasyon ng lugar na ito kaso naman ay walang signal. Ayos! Alaws din pa lang kwenta.

Nagpokus na ako sa kompyuter at nagsimulang magtipa na. Sinusubukan ko naman ngayon na ma-access ang mga camera sa lugar na ito.  Alam kong may mga nakatagong camera lang dito sa umpisa pa lang. Imposibleng hahayaan kami ng baliw na 'yon na maghiwahiwalay uli ng hindi niya nalalaman kung saan kami napupunta. Kung isa itong laro katulad ng sabi ni Melody, kami ang mga piraso at hawak niya lang kami sa mga kamay niya, pero hindi ko hahayaan 'yon! Hindi ko hahayaan na may mawawala uli sa'min. Hahanapin ko ang daan para makalabas na kami sa walang kwentang lugar na 'to!

Mariin ang tingin ko sa mga numero sa screen habang nagtitipa. Mahirap pasukin at napakadaming codes! Matalas ko na inaasinta ang mga butas at matapos 'yon, ay may panibago na naman. "Hutek na 'yan! Matalino ang baliw, yawas!" napabuntong hininga na lang ako. Akala ko madali ko lang na maaaccess 'to.

"Gotcha!" Tumaas ang isang sulok ng labi ko. Ilang oras man ang tinagal ay bumungad na din ang mga camera. Mabilis na hinanap ng mga mata ko ang mga kaibigan at tumigil ito sa dulong parte.  Natigilan ako dahil do'n kasabay ng biglang pagbilis ng tibok ng puso at panlalamig ng aking mga kamay. Napalayo ako sa computer dahil sa nakita.

Nakatalikod at nakaupo ang taong 'yon sa isang upuan na itim habang nakatutok sa kompyuter. At iyon ay wala ng iba pa, kundi ako. 

Biglang na lang namatay ang computer at napamura ako dahil do'n. "Ibig bang sabihin n'on ay alam niya rin ang pag-access ko?" Napamura uli ako at naihilamos ang mga kamay sa mukha. Mabilis akong nagtipa sa kabila ng panlalamig ng mga kamay. Ngayon pa ba ako susuko? Alam niya na rin naman, edi sagadin na din! Pagtipa ko lang ang maririnig sa buong kwarto at ang pagpitik ng kamay ng orasan. Pinindot ko ang enter kasabay ng pagkakaroon ng madaming glitch. Napakunot ang aking noo at ilang segundo pa ay isa-isang bumungad ang mga numero sa screen.

|02-09-18-20-08|

"Ano daw?" halos magsalubong na ang kilay ko habang nakatitig sa mga numero at dash. Kung hindi ako nagkakamali ay code uli ito! Napaisip naman ako sa mga code na naaalala ko.  Sinubukan ko na i-decode ito gamit ang Polybius square. Matapos lumabas ang resulta ay inilagay ko agad ang sagot, kaso 'ERROR' lang ang luamabas!

Nag-isip pa ulit ako ng mga codes na naaalala ko. Nasa dulo na ng dila ko hindi ko pa rin maalala! May L kasi yun eh, takte 'di ko maalala. "La.. Latin, tama Latin Code!" napangisi ako saka mabilis tinipa ang katumbas na letra nito. 

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now