Labyrinth 12

36 12 7
                                    

'Pretending to be FINE is the best thing to LIE and to make ourselves feel ALRIGHT.'

-inkofdawn


Jax's POV

Tumigil kami saglit ni Melody sa harap ng isang malaking bato na napapalibutan na ng lumot para magpahinga. Kanina pa kami naglalakad pero hindi pa din kami nakakaalis sa lugar na 'to na may iba't-ibang uri ng halaman, puno at bulaklak. Mabilis kong iniwas ang tingin sa mga pulang rosas at pilit na inalis sa isipin ko ang isang alaala.

"Hayyy! Nakakapagod, wala pa man lang tayong nakikita ni miski isa sa kanila!" 'saka ko ipinatong ang isang kamay sa bato. Nakatayo at nakapameywang naman si Melody at bumuntong hininga.

"Gano'n talaga--- Jax!" natigil sa pagsasalita si Melody at agad akong hinila bago pa ako matumba! Umayos naman agad ako ng tayo at sabay kaming napalingon ni Melody sa gumilid na malaking bato. Kasabay ng paggilid ng malaking bato ay ang pagbungad naman sa amin ng isang batong hagdanan na ang direksyon ay pababa. Sa pader ng magkabilang gilid ng hagdanan ay mayroong maliliit na liwanag galing sa mga torch. Muli ay nagkatinginan kami ni Melody.

"Baka nandito sila?" panghuhula ko kasi diba malay natin. Dahan-dahan naman siyang tumango at napagpasyahan namin na pasukin ito.

Sa paglalakad pababa ay nakatutok ang flashlights namin sa harap. Salamat na lang din talaga sa ilaw galing sa mga torch. Walang ibang maririnig sa masikip na daan pababa kundi ang mga yapak lang namin. Nanlalamig ako dahil sa katahimikan at hindi ako sanay mga tol! Para kaming nasa isang horror movie at mamaya ay baka may bumungad sa amin na kung sino! Napailing ako at huminga nang malalim. Dapat ko na sigurong bawasan ang pagpapanood ng horror movies! Nakakaparanoid na rin talaga. Sa paglalakad namin ay may naaaninag na kaming mas maliwanag pa at nang makalapit pa kami ay galing pala ito sa isang lampara na nakasabit sa harap ng kahoy na pinto!

Hinawakan ni Melody ang door knob nito at pinihit pabukas. Bumungad sa amin ang kwarto na may iba't-ibang gamit sa loob! Pumasok kami dito kasabay ng paggala ng mga mata ko sa kabuuan at kagamitan ng kwarto.

Ang kwarto ay may ilaw na florescent sa itaas kaya ay makikita ang kabuuan nito. Sa kaliwang bahagi ay makikita ang mga kinakalawang na container. Sa sahig naman ay may kaunting bubog at basag na bote--- lasenggo ba ang nagdala sa amin dito?

"Bakit may pompoms dito?" Tanong ni Melody habang hawak niya ang pompoms na kulay green at silver. Kung hindi ako nagkakamali ay gano'n na gano'n rin ang kulay ng pompoms na ginagamit ng mga cheerleader sa University! Alam ko 'yon dahil bukod sa may mga chiks ako sa cheering team ng school ay isa din si Laine sa member ng cheering squad! Napadako naman ang tingin ko sa mga party hat sa gilid nang pinagkuhanan ni Melody ng pompoms.

"Mukhang bodega lang naman ang kwarto na 'to eh!" Sabi ko habang pinapasadahan ng tingin ang paligid.

Bukod sa mga 'yon ay may bisekleta din na kulay pula na pamilyar sa'kin at hindi ko lang maaalala kung sa'n ko nakita. Ipinagkibit balikat ko na lang 'yon. Marami naman na akong nakitang bisekleta kaya siguro 'yon ay pamilyar. Sa kanang parte naman ay makikita ang isang pares ng puti at maruming sapatos. May shelf din kung sa'n nakalagay ang mukhang collection ng mga bola at napadako ang tingin ko sa dulong bahagi nito kung saan nakalagay ang isang soccer ball.

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now