Labyrinth 25

13 3 2
                                    

"We love, promise, and in the end... 

We LIE."


Lemon's POV

"Finally, someone already decoded the truth."

Nanlamig ako bigla at naramdaman ang mabibilis na tibok ng puso ko. Dahan-dahan ay pinihit ko ang sarili paharap dito at halos maging gelatin ng makita ito...

Sa harap ko ay isang malaki at matipunong bulto. Bihis ay pormal at talagang nakatuxedo pa. Ang mga labi'y mapupula na parang mansanas pero hindi ko makita ng buo ang mukha nito dahil sa mask na suot niya. Ang isang kamay ay may hawak na glass at sa tingin ko ay wine ang nasa loob. 

Hinakbang ko paatras ang mga paa ng humakbang ito ng isa palapit sa kinatatayuan ko.

Oo, natatakot nga ako dito.

 Ang presensya niya pa lang ay hindi ko na kinakaya. Napatigil naman ito sa ginawa ko at narinig ko ang pagtawa nito nang mahina. Umusbong muli ang napakaraming tanong sa isipan ko. At isa lang ang tanging sigurado ako ngayon. 

"S-so... You're the man in shadows?"

Nagtindigan ang balahibo ng makita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi nito. 

'He's the one who brought us in this deadly maze.'


"Bingo." 


Now, I hate myself for thinking he's sexy. Gosh! Don't be distracted, Lemon! I pursed my lips upon that nasty thought of mine.


"Glad you remember me, Milady."

Kamuntikan na akong maihi sa boses nito. Para bang gusto ko na lang tumakbo at huwag na itong harapin pa! Wala na ang mistulang robot nitong boses. Ang naririnig ko na ngayon ay malalim at nakakapanindig balahibo, ang tunay nitong boses. Kinalma ko ang sarili at pilit na hindi nagpadala sa kaba. 

"Why do you still have a mask? Why don't you just reveal yourself?" Naguguluhan kong tanong. Bakit nga ba hindi diba? Kung tutuusin ay kaya niya akong patayin ngayon din o kahit kailan o anong oras niya pa gustuhin.

"Some secrets are meant to remain hidden," makahulugang sabi nito at ipinasok ang isang kamay sa bulsa. Napakamisteryoso naman nito.

Sa kabia ng kaba ay nararamdaman ko pa din ang mabibigat na kabog ng puso ko. Nakakainis bakit ba biglang uminit sa lugar na 'to?! Ganoon ba kalakas ang presensya niya?

"Then my friends... Why do you keep on exposing their dark secrets?" Ano ba talaga ang rason niya? Bakit ba ang saya-saya nitong makita kaming nahihirapan at nasasaktan? He loves to see people in despair and we became his experiment.

'Secrets are just waiting to be revealed.
Secrets will not be forever as it is.'


"You should thank me, Athena." Simpleng sabi nito na para bang maliit na bagay lang ang mga nangyayari at dapat ko pang ipagpasalamat na nandito kami. He even called me by my first name. Are we even close? What an assh*ole!

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now