Labyrinth 22

20 3 0
                                    

"It is not the strongest of the species that survives, nor the most intelligent, but the one most responsive to change."

-Charles Darwin



Jax's POV

Pinulot ko ang baril at tangkay ng rosas na nasa sahig. Nagtataka ko 'tong tinignan at lumingon lingon pa sa pagbabakasakaling makita ko ang may-ari nito. Pero tulad nga ng inaasahan, ay wala. Walang miski isang tao sa pasilyo at tanging ako lang ang gwapo. Seryoso, paano at bakit may baril sa lugar na 'to? Nagtaasan naman ang balahibo ko nang muling mapagtanto na hindi biro ang kinalalagyan namin. Mula sa pagkamatay ng kaibigan namin hanggang sa pagkakataong 'to! Kung gano'n ay sino nga kaya ang nakaiwan nito dito? In-obserbahan ko ang hawak na baril, kung titignan ng mabuti ay hindi ito mukhang nakalimutan lang ng may-ari eh. Parang sinadya itong ilagay dito, saka rosas? Binalikan ko ang sinabi sa hall kanina nung siraulong nagdala sa'min dito.

Napapansin ko na sa tuwing may ibibigay siyang task sa'min, sasabihin niya lang ang kailangan namin gawin at mga basic instructions. Tapos iyon na 'yon! Bahala na kami sa mga buhay namin at kung paano ang gagawin namin para maipanalo namin ang task. Simple lang ang sasabihin niya pero mapanganib ang bawat laro! Along the way, we will see things that'll help us to survive and fulfill the said task. Those things are just here in this crazy place, maze just what Lemon said. Ang nangyayaring 'to ay maihahalintulad sa Survival of The Fittest. Kailangan talaga gamitan ng utak. We have to be keen. Observant of the surroundings. One wrong decision, we are dead. Maling desisyon ay maari kaming matuklaw ng ahas.

Hawak ang malamig na bagay at isang tangkay ng rosas ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Kailangan na namin patayin ang halimaw at kapag nagawa namin 'yon ay makakalaya na kami! Pero sino nga ba 'to? Anggara naman! Lumiko ako at napansin ang isang anino. Ipinagkibit balikat ko na lang 'to at sa lalim ng iniisip ay nawalan ako ng balanse dahilan ng pagtama ng tuhod ko sa sahig! Kainis, kailan pa ako naging lampa? Napakamot na lang ako sa batok at napatingin sa isang bagay sa paanan ko.

"Tsk, sino na naman kaya ang nakaiwan nito dito? Luh, ang hilig naman pala mang-iwan!" pinulot ko ang cellphone sa sahig at halos magsalubong ang kilay nang mamukhaan ko ito. Halos marinig ko na ang pagtibok ng puso ko habang kinakabahan ko 'tong pinagmamasdan sa aking kamay. Ang malamig na bagay ay sumasabay sa panlalamig na aking nararamdaman. Tumingin ako sa magkabilang daanan. Sino naman ang nagdala nito dito?! 'Saka paano 'to napunta dito? Dali-dali ko itong kinalikot at naisipang puntahan ang messenger.

Huminto ako sa pag-scroll at naging matiim ang tingin sa isang pangalan.

"R-Rose?" Napalunok ako habang nakatitig sa pangalan na iyon. "Rose Nevara? K-kailan pa sila nagkausap ni Peach?" gulong-gulo ang utak ko habang nakatingin sa pangalan niya sa screen.

Pipindutin ko na sana ang convo ng biglang magkaro'n ng pagyanig! Napahawak ako sa pader kaso ay mas lumakas ang pagyanig dahilan ng pagtumba ko. "Hayup. Takbuhan version 3 na ba 'to?" medyo nahilo rin ako dahil sa paggalaw ng paligid. Naalala ko na naman yung unang nangyari sa'kin ng magising ako dito. Takte! Wala pa ang utak ko sa mundong ibabaw, pinatakbo na 'ko ng siraulo! Ayos talaga.

Mayamaya ay nawala na ang pagyanig. Nakahinga ako nang maluwag dahil do'n at hindi na muna tumayo mula sa sahig. Pinakiramdaman ko muna ang paligid hanggang sa makarinig ako ng mga yabag ng paa. S-sino 'yon?!

Naging alerto at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa baril. Mabibigat ang aking hininga habang inaabangan ito.

"Oh, ano ginagawa mo d'yan?" tumingala ako para lang makita si Led. Nabunutan ako ng tinik. Tae, 'kala ko kung sino na! Napapikit na lang ako at napayuko. Natatawa naman 'tong nakatingin sa itsura ko. Taengyan.

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now