Labyrinth 20

26 8 6
                                    

"When your last hope is that light but it also starts to fade, where will you go? Will you give up the battle and just let the darkness consume you?"

-inkofdawn

Abigail's POV


 Normal lang akong naglalakad sa pasilyo habang nag-iisip kung saan muling liliko. Pinipilit kong magpanggap na normal lang ang lahat, ang lakad at maging paghinga. Sa kabila ng nararamdaman ko na para bang may sumusunod sa'kin.

 Umikot akong muli at pinasadahan pa ng kamay ang pader habang naglalakad. "Ako'y alipin mo kahit hindi batid~"  kanta ko pa para kunware pachill-chill lang talaga. Pinakiramdaman kong muli ang likod nang hindi lumilingon. Nang makahanap ng t'yempo ay agad akong lumiko sakto sa isang madilim na pasilyo.

 Mabilis ang aking bawat yapak at maingat na hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Ngayon ay paniguradong alam na ng kung sinong hayup na 'yon na alam ko nang sinusundan niya ako. Mas kailangan ko ng mag-ingat! Gamit ang mga kamay ay ito ang naging gabay ko. Walang ilaw at wala akong kahit na anong makita! Mula sa pader ay may nakakapa akong kahoy. Inilibot ko pa ang kamay sa kabuuan nito hanggang sa maibaba ko ito at nakapa ang isang... doorknob?

 Dahan-dahan ay pinihit ko 'to at bumungad sa'kin ang isang masikip na kwarto. Para itong maliit na closet. Hinakbang ko ang mga paa papasok sa loob at iginala ang paningin dito. "Wews, narnia na ba 'to?" Sinigurado ko muna na nakalock ang pinto bago nilibot ang maliit na lugar. Beige ang kulay ng pader at may kulay gintong linya ang bawat gilid. Napansin ko naman ang isang kabinet, mayro'n itong maliit na doorknob! Lumapit ako dito dahil sa kakaibang nararamdaman. Hanggang bewang lang ang taas at hindi ko na natuloy ang pag-eksamina dito nang marinig ko mula sa labas ang mahinang langitngit ng bakal. 

Napalingon ako sa pinto at natatarantang hinila ang seradura ng kabinet. Mabilis akong pumasok sa loob nito! Kasabay ng pagsara ko nito ay ang mas paglakas ng langitngit ng bakal! Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano nang nasa loob na ako. Iginila ko ang mga mata sa kinalalagyan at napagtanto na hindi naman pala talaga 'to kabinet! Maliit ang loob pero nagkasya naman ako. Mas itinupi ko pa tuhod at kunot ang noo na tinignan ang dalawang lubid sa gilid.

Nagtatakang hinawakan ko ang isang lubid saka sinubukang hilain pababa. Nanlaki ang aking dalawang mata nang maramdaman ang paggalaw ng kinalalagyan ko. Sa gulat ay mabilis kong binitawan ang lubid! Inilagay ko ang mga kamay sa magkabilang gilid at pinakiramdaman ang paligid.

"Huh? Wala na?!" napatingin akong muli sa lubid 'saka hinawakan ito uli. Katulad ng ginawa ko kanina ay hinila ko ito kasabay naman ng pag-angat ng kinalalagyan ko. Napahawak ako sa sa labi kong napaawang dahil sa pagkamangha. "Wow, amazing!" Napangisi ako at hinila pa itong muli. 

Nang mapagod na ako ay binitawan ko na ang lubid at napasandal na lang sa pader. Kinapa ko ang binti kung saan kanina pa ako nakakaramdam ng kung anong malamig na bagay dito. Itinaas ko ang tela at bumungad sa'kin ang isang kutsilyoNagtataka man ay kinuha ko 'to at hinawakang mabuti. Maliit pero nakamamatay, hmm.. Mayamaya ay napagpasyahan ko ng lumabas. Binuksan ko ang maliit na pinto at dahan-dahan na lumabas mula dito. Ibinaling ko ang ulo sa magkabilang gilid at nagpatuloy na sa paglalakad ng maramdaman kong wala namang kakaiba. 

Ngunit napatigil ako sa paglalakad dahil mula sa malayo ay naka-aninag ako ng mabibigat na hakbang. Naging alerto ako nang makita ang isang malaking anino mula sa malayo. Nagtaasan ang aking balahibo ng lumabas ang isang malaking tao na nakamahabang damit na kulay itim mula dito. Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa suot niyang hood, pero bumilis ang pintig ng puso ko nang bumaba ang mga mata ko sa hawak nitong malaking bakal na martilyo. Nang tuluyang itong lumabas ay nakita ko na ang kabuuan nito. Marahang itinaas nito ang isang kamay at-- at nagawa pang kumaway sa'kin?! Nanlalaki ang mga matang napalunok ako at marahang napaatras. Rinig ang tawang pinakawalan nito sa buong pasilyo na nagpadagdag kilabot sa'kin. Napakalalim at nakakapanindig balahibo! Para siyang si kamatayan! Legit tol! Naiinsulto man ako sa pagtawa nito ay wala akong magawa. Isa lang ang naiisip ko sa oras na 'to at 'yon ay ang tumakbo! Pero bago 'yon ay itinaas ko muna sa kanya ang middle finger ko saka nagmamadaling tumakbo!

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now