Labyrinth 23

15 3 0
                                    

|Warning: Skip and move to next chapter if you can't withstand scenes containing sexual abuse and thoughts triggering anxiety. Please read at your own risk.|



Melody's POV



Maingat ang bawat hakbang ko. Ang mga mata'y malikot at hindi mapakali. Kanina ko pa nararamdaman na parang may sumusunod sa'kin. Napansin ko rin kanina ang isang anino. Tingin ko ay guni-guni ko lang 'yon, pero hindi. Sinubukan kong lumiko kung saan at pumasok sa mga pasikot-sikot. Hindi rin nakatutulong ang hamog at usok sa paligid.

What is that? I took a deep breath and stopped from my track. Napapraning na ata ako eh! Napailing ako at nagulat nang makarinig ng langitngit ng bakal! Tumaas ang aking balikat kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. I anxiously glanced at my back and walked fast as I could! I have just seen the shadow in some wall! I felt scared and uncomfortably moved from here and there! Para akong nawawala na sa sarili. Ni sariling paghinga ko ay hindi ko na masundan pa. Nanghihina man ang katawan ay gusto kong makatakas. Gusto kong lumayo! Because this scenario clearly made me scared. It made me remember that night. The past incident that continuous to hunt me in my every sleep. A nightmare that never gets tired of chasing me.


Napayakap ako sa sarili kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Soot ko ang isang malaking sweater at tago ang balat. Tumingala ako at nakita na malalim na ang gabi sumabay rin ang panandaliang pagguhit ng liwanag sa langit. Pumangibabaw ang nakakatakot at nakabibinging kulog! Nagbabadya na ang pagbagsak ng ulan at kailangan ko ng makauwi. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa pagkakataong 'to.

"Psst!" pinasya kong baliwalain ito at magpatuloy sa paglalakad. Nakakabastos man ay halos maging normal na lang ang ganito sa panahon ngayon. Hindi sana dapat maging normal, pero gano'n ang ginagawa ng karamihan. Yumuko ako at pinasok ang mga kamay sa bulsa ng sweater.

Naramdaman ko na may kung ano sa likod. Pinakiramdaman ko muna at napagtanto na may sumusunod! Huminga ako ng malalim at pilit tinatatagan ang loob. 'Titigil din 'yan' pilit kong tinatatagan ang loob. Iginala ko ang mga mata sa paligid, at napagtantong w-wala ng mga tao! Nagsimula ang pagbilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam na hindi ako ligtas sa pagkakataong ito.

Hindi dapat ako magpahalatang alam kong sinusundan niya ako! Pasimple kong kinuha ang cellphone sa bulsa at halos pagsakluban nang makitang walang signal! Nanlaki ang mga mata ko ng sumabay na 'to sa paglalakad ko. Lumayo ako dito pero marahas at mabilis niyong hinawakan ang aking braso! Malakas ako nitong pinihit paharap sa kanya na ikinangiwi ko. Bumungad sa'kin ang nakangising mukha nito. Ang mga mata'y tila nanlilisik at kakainin ako ng buhay!

"Miss 'wag ka namang masungit," Naamoy ko ang amoy alak galing sa bibig nito na pinangdirihan ko. Marahas na akong nagpupumiglas pero masyado itong malakas!

"B-bitawan mo 'ko! Tulong!" kahit wala akong nakikitang tao ay nagbabakasali akong may tumulong pa din sa'kin. Mas'yadong malakas ito at tanging naisip ko lang ay sipain ang nasa gitna nito! Nabitawan niya ako at narinig ko pa itong malutong na nagmura. Namimilipit na ito kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para umatras at hindi magkadaugagang tumakbo! Mabilis ang tibok ng puso at halos mapantayan nito ang bilis ng pagtakbo ko! Nagsisimula ng magbaha ang tubig sa'king mga mata na ginagawang malabo ang aking paningin. Pinunasan ko ang mga mata at minabuting 'wag mag-ingay.

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now