Labyrinth 07

64 26 19
                                    

'We may not be enough to other people but being content of what we have will make us 'happy' and reaching their standards will ONLY make us feel 'depress' and unworthy.'

-inkofdawn

Peach's POV

Nagising ako at napansin ko agad na wala na ako sa dining area--- kung gano'n ay nasaan ako?! Kabadong iginala ko agad ang mga mata at napansing ibang kwarto na ito ngunit kapansin-pansin ang mga CCTV cameras sa paligid. Parang nakasubaybay sa lahat ng gagawin ko--- pero teka ang mga kaibigan ko! Agad ko silang hinanap sa paligid at nakahinga din ng maluwag nang makitang nandito rin sila! Tulog pa ang lahat at ako ang unang nagising. Napansin ko naman na nagsimula na din gumalaw at magising ang iba pero ang atensyon ko ay nasa kan'ya pa rin.

"Siz, sakmalin mo na!" Bwiset na bulong ni bakla. Agad ko naman hinila ang buhok niya na pang oppa ang style at agad naman s'yang maarte na umaktong umiiyak. Ayan ang bagay sayo!

"Sa'n na tayo?" Rinig ko na tanong ni Lemon na nagkukusot pa ng mga mata.

"Nasa earth pa naman siguro hehe, sana" sagot ko. Napatingin ulit ako sa kan'ya ng magising s'ya pero nabigo ng sa iba naman siya nakatingin. Napayuko ako at kinagat na lang ang labi upang itago ang sakit.

"Ganda mo talaga tih! Para kang manika, ngayon ko lang napansin ang bagong gupit mo na bangs!" Napatingin naman uli ako kay Janang bakla na hinawakan ang buhok ko at saka ako pilit na ngumiti. Alam niya kaya nag segway s'ya para lang malipat ang atensyon ko.

"Talaga bagay sa'kin?!" 'Saka ako nagpose at ngumiti uli. Agad naman siya ngumiwi.

"Hindi! Mas bagay 'yan sakin, alam mo na.. maganda ka lang pero ghorl! Ibang level 'to oh, dyosa ako!" Natawa na lang ako sa pakaway-kaway at ngiting wagi nito na parang nakoronohan na! Sumulyap naman ako ng sandali uli sa kan'ya.

"Good morning, my dear guests!" Agad naman kami naging alerto. Nagising din si Led na kanina ay tulala pa.

"Wakey, wakey! Looks like you've slept peacefully, huh?" 'Saka ito tumawa nang nakakakilabot kaya napahawak ako sa magkabilang braso ko nang maramdaman ko na nagsitaaasan ang balahibo ko.

"Creepy talaga friendship!" Komento ni Jana.

"I'm glad to know that you're all comfortable at my home!" Lumapit naman ako kina Melody at ginising na rin sila.

"Today's your first task! Aren't you excited?!" No one even dared to speak. Halos makarinig na ako ng mga kuliglig sa kwarto. Pero nagpatuloy pa rin ang boses robot sa pagsasalita kahit walang sumagot dito.

"Well, your first task is to FIND your four friends here in Labyrinth, for only 24 hours! If you win my task you will receive the PRIZE!" Prize? Ibig ba no'n sabihin ay makakalabas na kami kapag nahanap na namin ang mga kaibigan namin?!

"You must find them and REMEMBER being not able to find them means PUNISHMENT"

"DEATH for you here in this room or maybe say goodbye to them your dear friends. Good luck, guests!" At nagtapos ito sa nakakarindi nitong tawa na walang kabuhay buhay at take note mga siz, high pitched pa! Matapos ng tawa nito ay bigla na lang bumukas ang isang pinto sa kwarto at bumungad sa'min ang mga nakahanger at iba't-ibang kulay na mahabang mga damit. Unang lumapit si Laine do'n na sinundan na rin ng iba. Napatingin pa akong muli sa mga CCTV sa silid at naiilang na sumunod na rin sa kanila. Nang tuluyan nang makalapit ay mas nakita ko nang mabuti ang mga detalye. May mga pin na nakalagay sa kaliwang dibdib at iyon ay ang mga pangalan namin. Lahat ng damit ay may hood, mahaba at lagpas hanggang tuhod. Makikitang talagang pinaghandaanan ang mga ito!

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now