Labyrinth 30

14 3 0
                                    

Jana's POV

So stressing! Sa paglabas ko sa makulay na kwartong 'yon ay wala sa sarili akong naglakadlakad at hindi alam kung sa'n na ba dapat pumunta. Huminto muna ako mula sa paglalakad at napamaywang. Sa kahabaan ng pasilyo at napaisip ako kung kakaliwa ba o kakanan uli? Teka, pang-ilang kanan ko na ba 'to?!

"Haynako!" Mas pinili ko na lang na pumunta sa kaliwa at sa paglalakad ay parang may nahagip ang mata. Medyo nanlaki pa yata ang mga mata ko kasabay nang pag-inda sa biglang pananayo ng balahibo ko. Para na akong matatae sa kaba! There's something wrong here, ha.

Naramdaman ko na lanh ang paninigas ng paa ko nang mapansin ang isang anino sa medyo malayo. Bigla akong napatuwid ng tayo at naalerto! Maygasscassieee! Napakapa ako bigla sa sarili ko at mabilis na inilibot ang mata sa paligid. Naku, wala pala akong kahit na ano para maipagtanggol ang sarili ko! Pinagmasdan ko muna ang paligid habang nag-iisip kung ano ang Plan B— ay, napaface palm na lang ako dahil wala pala akong kahit anong plinano. Gosh! Super lutang! Nang mailibot ang paningin ay napansin ko ang pader ng pasilyo na kulay beige. Ang lakas lang din talagang maka-sosyal! Ang sarap tuloy inggitin ang kapit-bahay kong si marites na ubod ng pagkachismosa! Anyways, mamamatay na nga lang ako rito pero wala man lang akong panlaban?! That's a no-no. Over my gorgeous butt!

Maingat akong naglakad uli at humanap nang makatutulong sa'kin kung may biglang mang may bumungad sa harap ng aking gorgeous body. Natanaw ko ang isang pinto sa kalagitnaan ng pasilyo at napag-isipang pumunta doon dahil baka may kung anong makatutulong sa'kin do'n. Bago pumasok ay dumungaw muna ako sa magkabilang pasilyo at napahinga naman nang maluwag nang makitang walang kahit na sino.

Sa tuluyang pagpasok ay bumungad sa'kin ang hindi gaanong maliwanag na awrahan ng kwarto. May isang master bed pero bes owmaygasss! Parang dito ang diretso ng mga taong maghohoneymoon, ah! Hmm... Pero ang yayamanin din talaga ng look dahil gold ang bawat linya at mga accent. Pula naman ang mga kurtina sa bawat pader. Ang sapin ng kama kukay krema at talagang silk pa na umayon sa kulay gold na mga unan! Napabaling naman ako magkabilang gilid ng malaking kama ng kwarto at nando'n ang side table at nakapatong dito ang antique lampshade. Naka-on ang ilaw nito upang mas bigyang liwanag ang dim na kwarto. Kung ang kwartong napasukan ko kanina ay puno ng kulay, ito naman ay kabaligtaran. Mas inilibot ko pa ang paningin sa kwarto at napanganga na lang sa pagkamangha. Kapansin-pansin ang mga paintings na nakadikit sa pader na tulad ng sa renaissance. Wow, sobrang aesthetic ng kwartong ito! Marahan kong iginalaw ko ang mga paa at lumapit sa isang malaking cabinet na kulay gold sa bandang gilid. Mas'yado itong malaki at kung tutuusin ay pwede na akong magkasya sa loob nito. Itinaas ko ang dalawang kamay sa maliit na seradura nito at binuksan. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang tuluyan ko na itong mabuksan at siguro kung may nakapasok man na langaw sa kwartong 'to ay napasukan na rin ang bibig ko dahil talagang nalaglag ang panga ko!

"Ang daming armas!" Napaimpit ako ng tili sa excitement! Dumiretso agad ang aking paningin sa pinakagitna nito at nakita ang parihabang frame na may lamang isang samurai. Gosh! This is not a joke!

Nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang isang baril na nakalagay sa clear na box. Pati ang mga baril nito ay talagang naka-ayos! Sa gilid ay may mga belt at ano pa mang ikinakabit sa katawan upang paglagyan ng mga baril. Sa gawing kanan naman ay mga bala. Kumuha ako ng isang belt at ikinabit ito sa'king bewang, at ang baril naman na nakuha ko ay nilagyan ko na ng bala. I never thought I'll hold a gun again after years I've learned shooting! Nakaka-excite na nakakakaba rin talaga considering the purpose why I need this! Kumuha ulit ako paglalagyan ng armas and this time it is not for guns. Isinabit ko ito sa balikad na pa pa-cross body. Matapos ayusin ay huminga ako nang malalim bago tuluyan nang tanggalin ang cover na pinaglalagyan ng samurai. Pinagmasdan ko pa itong mabuti bago kunin at isinilid sa likod na para sa lalagyan nito. Bali mayroon akong isang baril sa bewang, isang samurai at... Inabot ko pa ang isang baril at kinasa ito. Owkey! Rakrakan na!!! Chos HAHAHAH naalala kong dapat dalaga pala si ako eheh. Inayos ko muna ang sarili bago pinihit ang seradura ng pinto. Sumilip muna uli ako sa magkabilang gilid at tulad kanina ay malinas pa rin naman. Wala namang kakaiba.

Nagsimula na ako sa paglalakad at mas naging mapagmasid! Oha, red alert ang ate mo! Maya-maya'y natigilan ako nang makarinig ng mga yabag. Mahihina lamang pero mas naging alerto ako. Hinanda ko na ang baril na hawak at dahandahang lumapit sa yabag na naririnig. Mas bumibilis pa ang tibok ng puso ko sa nga pagkakataong 'to at halos marinig ko na ito! Ramdam ko ang panlalamig ko sa kaba nang mapagtantong kailangan ko nang lumiko upang mas mapalapit sa tunog na 'yon. Napasandal ako sa pader at mariing napapikit. Napalunok ako habang pinapalakas ang loob ko. Kapag lumiko na ako, wala nang atrasan pa! This is it pansit! Huminga muna ako nang malalim at sa paghakbang at pagpihit paliko ay mabilis kong itinaas ang baril.

"Kyahhhh!"

"Jana?!"  Napahigit ako agad ng hininga. Mabilis at nanginginig kong ibinaba ang hawak baril. Napahawak pa 'ko sa dibdib at napailing habang nakatingin sa natigilang nitong anyo.

"Akala ko kung sino na! Mahabagin Peach!" Kamuntikan ka na marites! Kinabahan ako nang super!

"Eh, ikaw nga ang nakakagulat d'yan! Bigla mo na lang akong tinutukan ng baril!" Bakit parang kasalanan ko? Lumapit na ako dito at mabilis na hinigit nang pabiro ang buhok nito.

"Loka-loka! Kinabahan kaya ako!" Impit kong ani. Narinig ko naman ang pagtawa niya at pagkawit sa braso ko tulad ng dati.

Napagpasyahan na naming hanapin ang iba. Mahaba-haba na rin ang paglalakad namin at liliko na sana uli nang biglang huminto si Peach na siyang ikinahinto ko rin.

"I find it strange, Jana." Aniya bago ituro ang isang box sa gilid. Napataas naman ako ng isang kilay. Pinagmasdan ko ang mahabang pasilyo at napagtantong ito nga lang ang may box. Mas lumapit ako at sa kuryuso ay ipinatong ko ang kamay dito. Para kasing ito 'yong box na sa loob ay switch para sa kuryente, eh. Ganitong-ganito ang itsura no'n! Sinubukan ko itong buksan at bumungad nga sa'kin ang isang switch! Nagkatinginan kami ni Peach at walang pagdadalawang-isip na hinila ko na ito pababa.

Nagulat kami nang makarinig nang pagbukas ng kung ano. Para bang tunog ng mga ilaw na binubuksan! Pero wala namang kakaibang nagbago sa kahabaan ng buong pasilyo?

Napansin kong inilapit ni Peach ang sarili sa pader at idinikit ang tainga dito.

"Ulitin mo nga Jana."

Tumango ako at sa pagbaba muli ng switch ay nanlaki ang mata niya.

"Malapit ang tunog dito!" Eh?

Bigla at mabilis ako nitong hinigit na medyo ikinahilo ko pa dahil sa bilis. Gurl, ako lang 'to! Kalma.

"Hanapin natin kung saan 'yon, Jana. Para kasing nasa likod ng pader na 'yon, eh!" Sa kahihila niya sa'kin ay hiningal na rin talaga ako dahil kay ate mo gurl! Sana tumakbo na lang kami 'di ba? 'Saka nananakit na rin ang braso ko kahihila nito! Nabugbog na ang katawan ko kanina sa pagkahulog sa bwiset na secret door na 'yon ta's ngayon naman... Ayoko na lang magtalk.

"Oh, ano na?" Tanong ko dito pero hindi naman na ito kumibo. Napako na ito sa kinatataguan niya at nakatitig na lang sa harapan niya na ikina-irap ko. Napagpasyahan kong sundan kung saan ito nakatingin at bumungad sa'kin ang 'di kalakihang hall pero sa gitna nito ay may malaking net. Napahawak ako sa labi at 'di malaman kung ano ang dapat na gawin dahil sa sa loob ng malaking net na iyon ay may isang tao!

Sa pag-aalala ay mabilis na napatakbo ako palapit doon! Hinawakan ko agad ang net at napakagat sa labi nang makita ang isang pamilyar na mukha. Wala itong malay at kapansin-pansin ang ulo nito na halos natuyuan na ng dugo at maging ang damit nito ay mayro'n na ring mga blood stains! Yumuko naman ako upang tignan ang ilalim at doon nga tumama ang hinalang mas'yado maraming dugo ang galing sa kan'ya! Namumutla na ito marahil dahil sa kakulangan ng dugo. Napakarami nang nakikita kong dugo sa katawan niya at maging sa net!

"Kailangan n-nating tanggalin siya dyan," nanginginig at kinakabahan na wika ni Peach. Bakit ba nagkaganito ang babaeng 'to? Paano siya napunta rito? At sino...

Kinakabahan akong huminga nang malalim bago hinigit ang espada sa likod ko. Lumayo muna si Peach at sa pagbwelo at mabilis na pagwasiwas ko ay ang tunog nang pagkasira ng net ang sunod naming narinig. Nang tuluyang masira ang sa gilid ng net ay mabilis na lumapit si Peach at nagtulungan kaming dalawa upang tuluyang mailabas dito si Abi.

"Abigail..." Ani ko at halos mautal habang nakatingin sa nanghihina nitong anyo. Nanginginig na naiyukom ko na lamang ang mga kamay ko. Halong awa at galit para sa sinapit ng kaibigan ko.

Sino'ng walang awa ang gumawa nito sa kan'ya?!



__

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now