Labyrinth 37

9 1 0
                                    

"Indeed, the brightest smile hides the deepest wounds."


Trigger warning: Suicide

Peach's POV


"Then to solve this equation, we will..."

Hindi ko maiwasang mabored dahil salita lang nang salita professor namin sa harap habang ang ibang mga estudyante naman ay may kan'ya-kan'yang mundo. Napabuntong-hininga ako dahil sumasakit na rin talaga ang ulo ko kakatitig sa mga numbers na sinusulat nito sa black board. Pumahalumbaba ako bago ibinaling ang ulo sa kabilang gilid ng classroom kung saan ang mataas na sikat nang araw ay kitang-kita at tila binabati pa yata ako. Pero napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang isang taong pinag-uusapan ng mga katabi ko at bahagya pang tumitili sa gilid ko. Napairap tuloy ako ng 'di oras. Maraming babae ang nahuhumaling dito dahil talaga namang malakas ang hatak nito lalo na't gwapo rin naman siya at kilala sa buong campus dahil sikat na soccer player din siya ng school. And with that charm, every girl could easily swoon over him. He's Jaxxon Mizushima by the way. Although, he's known to be a heartbreaker, a lot of girls don't mind that fact and still risk to play with him. He can lure you easily with that drowning gaze. And I admit, I once drowned with that gaze of him and still drowning.

Tamad na nakabaling lang din ito sa bintana at walang pakialam sa mga sinasabi ng teacher sa harap. Well, walang pakialam sa ganap sa classroom, as usual. Napanguso ako nang biglang bumagsak ang ulo nito sa pagkakayuko at nanlalaki ang mga matang mabilis na inilibot ang tingin sa buong classroom. Pinilit kong 'wag bumungisngis o matawa sa nakita at napakagat na lang sa pang-ibabang labi. Hindi ko napansing nakangiti na pala ako dahil sa aliw habang pinapanood ang kaibigan, at nanlaki na lang ang mga mata ko nang dumako ang kulay kapeng pares ng mata nito sa'kin. Napapikit-pikit pa ako sa gulat at hindi malaman kung iiwas ba ng tingin dito o ano? Awkward. Ramdam ko na ang panginginig ng kalamnan pero halos malagutan yata ako ng hininga nang makita ko ang pag-angat ng isang gilid ng labi nito. Halos marinig ko na ang malalakas na tambol sa puso ko habang nakatitig pabalik sa nakalulunod na mga mata nito. 

'Kringggg!'

Bigla namang umalingawngaw ang tunog ng bell hudyat nang pagtatapos ng klase, at naramdaman ko na ang pagtayo ng mga katabi ko, kaya agad na rin akong nag-ayos bago magpatangay sa nagmadadaling si Jana at lumabas ng klase.

I was too distracted by the fast beating of my heart while walking on the corridor. Well, I never felt this strange one when facing other people before, but now... Why am I feeling this way? As if there's something my mind couldn't explain yet my heart loves too. I'm not ignorant though. But I know my stand, I'm only his friend and a fan. And all I know was that this one is deadly... I was too preoccupied with my thoughts that I didn't realize I bumped with someone.

"Sorry I didn't see--

Rose?!" As soon as I met her gaze, I quickly recognized her puffy red eyes and the unusual dark bags under them. I immediately hugged her and we decided to went to the library where we can talk alone. And when we're already alone, the deafening silence greets us both. I swear, it's killing me! 

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now