Labyrinth 02

162 35 19
                                    

 Drowning

 And if you think the world fails you, always remember that the world was fair. The people aren't.

     -inkofdawn

Lemon's POV

  Nanghihinang napaupo ako habang nakatingin sa balang ngayon ay nasa sahig at umuusok pa. Yakap ni Led si Laine na nanghihina at nanginginig sa takot. Kamuntikan na siya! Sinong hindi pa matatakot sa nangyaring iyon, 'di ba? Sobrang natakot ako para sa kaibigan ko at kung nahuli lang ng ilang segundo pa si Led--- ayaw ko na isipin pa ang sunod pa na maaaring mangyari.

  Napa-angat ang tingin ko sa nakaset-up na baril. Hindi biro iyon at sino ba ang naglagay sa'min sa lugar na'to? Ano ba ang gusto niyang mangyari? Sa nangyari pa lang kanina kay Laine ay maaaring may mas worst pa ang mangyayari sa susunod!

 "Hey, it's fine now. You're already safe," napatingin uli ako sa dalawa at nahuli pa ang sandaling paghalik ni Led sa noo ni Laine. Nararamdaman ko pa rin ang panginginig ng mga tuhod ko pero pinilit ko pa ring tumayo. Humawak ako sa sandalan ng upuan na kanina lang ay kinauupuan ni Laine para suportahan ang pagtayo nang aksidente akong may mapindot na button mismo sa sandalan! 

"Paano--"

Hindi ko na napansin ang button dahil kasing kulay lang din halos ng bakal at madilim pa sa lugar. Dahil sa aksidenteng pagkapindot ko dito ay biglang nagkaroon ng ilaw sa buong malaking kwarto. Sandali pa akong napapikit at sa pagdilat ay mas nabigyan ng pansin ang kinaroroonan namin.

 Ang paligid ay hawig sa Greek style architecture! Mas maaappreciate ko sana ito kung hindi lang kami nasa ganitong sitwasyon. May mga poste na hawig ang Corinthian architecture at nakapagtatakang closed ang buong malaking kwarto. Wala akong makitang pinto o kahit anong bintana.

"Aksidente akong may napindot na button sa bakal na upuan," paliwanag ko. Tumayo si Laine na inalalayan naman ni Led. Edi kayo na! Lumapit naman sila sa'kin at tinignan ang button na sinasabi ko.

"Napakadami namang nakalagay sa upuan na 'yan!" rinig kong sabi ni Led. Ineksamina ko naman ang upuan dahil baka sakaling may makatulong para maka-alis na kami sa lugar na 'to.

"Do you think there's something in it that can help us escape here?" tanong ni Laine. Napabaling naman ako ng tingin sa kaniya at maikling ngumiti.

"I hope so. In fact, dito pa nga nanggaling ang note na nakapagligtas sayo," tukoy ko sa riddle. It's crazy how this chair pulled her to death and at the same time saved her.

Napatango-tango naman siya at tumulong na din sa'kin. Sumandal naman sa pader si Led habang pinagmamasdan ang buong paligid. Ibinalik ko na lang ang atensyon sa bakal na upuan.

"Lemon, look at this," napatingin naman ako sa itinuturo ni Laine.

"It's like a button too? Hindi rin halata dahil sa kakulay lang siya ng bakal," tukoy niya dito. Hmm..

Bigla na lang itinaas in Laine ang isang kamay at pinindot 'to na siyang ikinanlaki ng mga mata ko. "Teka lang!" pipigilan ko pa sana siya pero huli na. Halos mapatalon kaming dalawa ng sandaling may sumigaw. Sabay kaming napatingin kay Led at nakitang yung kanina n'yang sinasandalang pader ay bigla pa lang umatras! Iyon ang dahilan ng pagsigaw niya.

Labyrinth's MysteryWhere stories live. Discover now