Chapter 50

584 9 2
                                    

Eliza's POV

Hindi ko inexpect na gagawin niya iyon. Hindi ko inexpect na ibubuwis niya yung buhay niya para samin. Halo halo yung nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Chase.. gumising ka na naman." Akala ko si Noah yung matatamaan ng bala pero bigla na lang sumulpot si Chase at siya yung natamaan. Masyadong mabilis lahat ng pangyayari. Wala akong masyadong maalala. "Chase.. Bakit mo naman ginawa yun? Ang tigas din naman ng ulo mo e no? Gumising ka na.." Eto ako, umiiyak kaharap ang walang malay na si Chase. Ilang araw na din siyang hindi nagiging simula nang nangyari yun. Nasa critical condition siya ng isinugod siya dito sa ospital. Sa may dibdib niya tumama yung bala. Natanggal naman nabito pero maaari daw itong magkaroon ng komplikasyon sa puso niya. Buti na lang daw at hindi natuluyan sa may puso dahil kung ganun ang nangyari, hindi na siya aabot ng ospital. Sobrang naguiguilty ako. Nasaktan ko yung matalik kong kaibigan tapos ganito pa yung mangyayari sa kanya. Pumasok si Aki sa kwarto at niyakap ako.


"Hello Tito Chase." Bati ni Aki sa walang malay na si Chase. "Gumising na po kayo pleeease?" Niyakap naman ni Aki si Chase. Napansin kong gumalaw yung kamay niya.


"Chase...." Unti unti niyang iminulat ang mga mata niya. O.o "Chase!" Pilit siyang ngumiti sakin. Alam kong masakit pa yung sugat niya.

"Tito!!!!"

"Eli.." Tawag niya sakin kahit nahihirapan siyang magsalita. "Buti at okay ka.." Mas lalo akong naiyak dahil sa kabila ng lahat, ako pa rin yung inaalala niya. "Hi Aki..." Hinawakan ko yung kamay niya.


"Okay ka lang ba ah? Anong masakit sayo? Gusto mo ba tawagin ko yung nurse ha?" Umiling naman sakin si Chase.

"Mabuti naman at okay ka."

"Chase. Ganyan na nga ang kalagayan mo ako pa rin ang iniisip mo?! Bakit mo ba ginawa yun ha?! Bakit mo sinalo yung bala?!" Ngumiti naman sakin si Chase. Si Aki, umiiyak na rin ngayon.

"Iniisip ko lang na kapag si Noah ang nawala, maraming...malulungkot... ikaw.. Si Aki...kapag ako.. Wala na..."  Ano ba naman yan. Chase naman e. T^T

"Bakit mo ba sinasabi yan Chase?! Madami ding malulungkot kapag nawala ka alam mo ba yun ha?! Ako, si Aki, lahat ng nasa SouthVille!" Hinigpitan naman ni Chase yung hawak niya sa kamay ko.


"Eli..Can I make a wish?" Tanong niya.

"Ano yun? Kahit ano."

"Gusto ko maging masaya kayo ni Noah. Gusto kong.... maging masaya kayo ni Aki sa piling ni Noah.. Balikan mo siya. Balikan mo yung kapatid ko."

**************************************

Noah's POV

"Napakawalang hiya mo!" Sinuntok ko si Mr. Lopez nang paulit ulit. Nandito na kami sa presinto ngayon at sa wakas, makukulong na din siya. Pagkatapos nang nangyaring iyon, bumalik ako sa Maynila at natuklasan ko lahat ng pangungurakot ni Mr. Lopez sa kompanya namin. Nakakapagtaka na hindi ito umaabot sakin dahil kasabwat pala niya ang ilang tauhan dito. All these time, I thought he was trustworthy. Pero siya pala ang makakalaban namin. "Ang kompanyang pinaghirapang buuin ng pamilya ko, sisirain mo ng ganun ganun na lang?! How dare you to do that?! Asshole!!!!" Sinuntok ko ulit siya. Ito lang ang paraan para mailabas ko ang galit ko sa kanya. Malaki-laki rin ang nakuha niyang pera sa kompanya at kailangang maibalik ko lahat yun.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now