Chapter 29

437 12 4
                                    

Eliza's POV

Nagising ako na yakap yakap ako ni Noah. Ang sakit ng katawan ko at ulo ko. Hindi naman ako makaalis at makabangon dahil nakapulupot ako sa mga bisig niya.

Oh shit. Yung nangyari kagabi...

Tiningnan kong mabuti ang sarili ko at si Noah. May.. May nangyari nga talaga samin. O.o OMYGOSH. Mamumula ata ako sa kahihiyan! >_______

Pero come to think of it. Dapat ko bang pagsisihan yun? Mahal ko si Noah. Binigay ko yung sarili ko sa kanya ng buong buo. Pano kung di pala siya yung taong para sakin? Pano kung hindi siya yung nakalaan sakin?

"Good morning wifey." Gising na siya.

"Good--good morning hubby." Ang gwapo niya lalo na pag bagong gising! Real talk. Lalo ako naiinlove sa kanya kapag nakikita siyang ganyan.  Hay. Siguro nga hindi ko dapat pagsisihan kung ano man ang nangyari. Dahil alam kong kahit anong mangyari, sa kanya at sa kanya pa rin ako babalik.

"Maliligo na ko Noah." Sabi ko sa kanya. Pero awkward pa din!! Babangon na sana ako nang hinila niya ulit ako at niyakap. O.o

"I love you so much Eli. Sana hindi mo pagsisihan lahat ng to. Sana hindi mo pagsisihan na nakilala mo ako. Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kita niyo na? Ang swerte swerte ko sa kanya.

"Wala akong pinagsisisihan Noah. Mahal na mahal kita. At ako na yata ang pinakamaswerteng tao sa mundo simula nung nakilala kita." Ngumiti ulit siya. Arghh. Noah naman eh! Sheez. Kinikilabutan ako sa kanya! "Si--sige na Noah. Maliligo na ako." Kinuha ko yung damit ko at nagmadali na kong pumasok sa banyo.

Lord, hindi ko alam na dadating kami sa ganito. Pano kung. Waaaa! Ayoko na ngang isipin! Nakakainis ka talaga Noah Delos Reyes! Nakooo!

Pagkatapos naming maligo, nagayos na kami ng gamit kasi aalis na rin kami. Haaay. Nakakalungkot din pala. Kahit isang araw lang kami dito, nakagawa kami ng hindi malilimutang memories at experiences.

"Tara?" Tumango naman ako at pinulupot ang kamay ko sa braso niya. Bumaba na kami at nagcheck out sa reception area then sumakay na ng kotse. Pagkasakay namin ng kotse hinawakan niya yung kamay ko tapos hinalikan ito. Hindi ko pa pala natatanong sa kanya kung may problema siya. Tsk. Di naman kasi ako makahanap ng tyempo e. Inistart na nya ang kotse niya at nagdrive na pabalik. Bye Tagaytay. Babalik kami. Pangako yan.

**************************************

"Eli.. andito na tayo."

Nakatulog pala ako?

"Noah.."

"Andito na tayo sa inyo Eli." Minulat ko na nang tuluyan ang mga mata ko at umayos ng upo. Nandito na nga kami. Medyo gabi na rin pala. Nakatulog ako sa traffic e. Huhu. Pa, sorry at hindi ako nakauwi agad.

"Bye Noah. Matulog ka na paguwi mo ha." Bumaba na ako ng kotse niya. Akala ko aalis na siya pero bumaba siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Bye Eli. Magiingat ka lagi. Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan." Huh? Ano bang sinasabi niya? Magkikita pa naman kami bukas ah?

"May problema ba Noah. Saka maguusap pa naman tayo bukas diba? Bakit parang namamaalam ka na ng tuluyan?"

Ngumiti siya sakin. "Napagod lang siguro ako Eli. Oo nga maguusap pa tayo bukas. Mahal na mahal kita. Bye Eli." Then he kissed me softly on my lips.

"Ingat ka pagdadrive ha. Magpahinga ka na pagkauwi mo. I love you."

"I love you more." Sumakay na siya ng kotse niya at inintay ko siyang makaalis bago ako pumasok ng bahay. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kanya. He never fail to make me smile over and over again.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now