Chapter 1

1.5K 20 7
  • Dedicated to Mihra Malabanan
                                    

This is a work of fiction. Names of characters, events, places and dates are used for fictious matters. Any resemblance to actual person, living or dead, places or events are purely coincidental. Do not distribute, publish, exploit, modify or create derivative works from this story. Please obtain permission

**************************************************************************

"Thank you po! Balik po kayo!" nakangiti kong sinabi sa customer bago siya lumabas ng pintuan sa shop namin.

"Eli!" Halos mapatalon na ko sa gulat sa tumawag sakin. Bakit ba ko natutulala?

"Chase naman, nakakagulat ka e." sabay hampas sa kanya.

"Aray. Ito naman. Hm. Diba ngayon yung result ng scholarship exam mo?" Sinasabi ko na nga ba at may nakalimutan ako! Yung scholarship! Ngayon nga pala yun!

"Chase. Anong oras na?"

"10:30." 10:30? Aabot pa ko!

"Chase, ikaw na munang bahala dito at kay boss ha. Kailangan ko na kasing makuha yung results! Sige na! Byee!" dali dali kong binigay sa kanya yung hinubad kong apron at iniwan siya sa counter ng cake shop na pinagtatrabahuhan namin.

"Uy, teka Eli!" 

"Mamaya na Chase! Importante to! Babyeee!" at kumaripas na ako ng takbo sa sakayan kung saan humihinto ang mga taxi. Buti na lang at may naitabi akong pera para pamasahe. Kinakabahan na ako. Ano kayang resulta? Pasado kaya ako? Second year college na ako at kailangan ko pang lumipat ng school. Pinalayas kasi kami dun sa tinitirhan namin dati kaya kami napadpad dito. Hays. 

"Papasa ka dun Eli! Tiwala lang!" Oo, tama. Papasa ako dun! Papasa talaga ako! Ako pa! Haha.

Ilang minuto pa ay nakarating na din ako sa school. Este, university na papasukan ko. Southern Elite University.Balita ko, school daw ito ng mayayaman. Pinapatakbo ng pera ang school na to at nageexcel sila sa Medicine at Law. No choice ako kundi dito kumuha ng scholarship since ito lang talaga yung malapit sa bahay at shop kung saan ako nagpapart-time job. 

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa gate, bumungad na sakin ang malaking sign na inukit pa talaga. SOUTHERN ELITE UNIVERSITY. Nandoon din ang isang rebulto ng warrior. Yun siguro ang symbol nila. Akala mo hotel tong school na to sa sobrang ganda. Mukhang maliligaw pa ata ako. Sa paligid ng university ay nagkalat din ang mga kotse. Siguradong sa mga estudyante to dito. At nagkalat din naman ang mga estudyanteng nakikipag mayabangan ng mga suot nilang damit, alahas o hawak na gadgets. Rich kids.

Kelangan kong mahanap kung nasan ang lobby.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now