Chapter 4

646 12 2
  • Dedicated to Kitch Castillo Belarmino
                                    

A/N: Patikim on the side. Haha. :D #TeamNoLi yayayay! :))

----------------------------------------------------------------------------------------------

"Hindi ko alam kung bakit ka pa nagtatrabaho sa cake shop na yun."




Napatingin ako sa kanya habang diretso lang siyang nakatingin doon sa daan. Ano namang problema nito sa trabaho ko? Nagtatrabaho ako para sa pamilya ko. Baka naman pati yun ay papakialaman pa niya?





"Ano bang pakialam mo ha?" pagtataray ko sa kanya. Nanlaki naman yung mata ko nang binilisan pa niya ang pagpapatakbo. "ANO BA?! Gusto mo bang mamatay tayo?! Kung magpapakamatay ka lang rin, wag mo na akong idamay!"



Bwisit talaga tong lalaking to e. Ayoko pang mamataaay. Juskooo! Saan ba kasi talaga kami pupunta? Huhu.


"Ang ingay ingay mo talaga!"




"Pakialam mo ba kung maingay ako?! Bwisit ka din eh no?"





"Argh! Tumahimik ka nga!"




Ha! Akala mo ha? Mas lalo akong hindi tatahimik!


"Paano kung ayoko?!"
















"Isa pa talaga hahalikan na kita!"






Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napalunok ako. Napahigpit ako sa pagkakahawak ko sa seatbelt ko. Bakit ganito? Bakit ako kinakabahan? Manyaak!




Ilang minuto pa'y nakarating kami sa isang napakalaking building. Nakakalula ang taas nito. Bumaba na si Noah sa kotse at sinuot yung shades niya. Napatingin naman siya sakin.



"Ano pang ginagawa mo?"



"H--huh?"






"Baba na!" Ay jusko! Pwede namang wag sumigaw diba? ~__~ Eto na nga! Eto na! Sama talaga ng ugali!





"Ano bang gagawin natin dito?"

Pero hindi niya sinagot ang tanong ko at hinila na lang ako papasok sa loob. Hinagis niya yung susi ng sasakyan niya doon sa isang lalaking nagwelcome samin. Boss ba siya rito? Whoa. Ang ganda dito! Mukhang milyon ang ginastos sa mga chandeliers na nadadaanan namin at yung mga sofa pati paintings!











"Saan ba talaga tayo pupunta?"




*kroo kroo*



Okaaay. Sabi ko nga't may kausap ako. Bwisit na to.


Tumigil kami sa isang malaking pintuan. Pagbukas nito, bumungad samin ang isang napakalawak na skating rink na may mga ilang naglalaro ng ice hockey. Whoa. Nababalutan ng glass walls ang palibot nito at sa likod ng glass walls na ito ay ang bleachers. Amazing!








"Maglalaro lang ako. Stay at the bleachers and wait for me."






Iniwan na niya ako at nagpunta doon sa mga naglalaro. Mukhang mga kabarkada niya yun. Pero arghh! Dinala niya lang ako dito para manigas sa lamig? Like duuh? Wala akong jacket at puro yelo dito. Idagdag mo pa yung aircon sa paligid kaya sobrang lamig!




My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now