Chapter 33

353 12 4
                                    

Eliza's POV

"Papa!!" Napatakbo ako at niyakap si papa. Sa wakas andito na din siya. Sinamahan kasi siya ni Tita Isabel sa ospital para magpagamot. Halos tatlong araw siyang nasa ospital e.

"Papa, kamusta po kayo?"

"Maayos ayos na naman ako Eli. Ikaw? Kamusta ka anak?" Hindi ako nakaimik dahil hindi ko rin alam kung anong isasagot ko. Ayos nga lang ba ako? Ang alam ko kasi hindi e. Lalo na't andito si Noah. "Eli? May problema ba?"

"Papa.. Ano kasi. Si Noah...."


"Andito na kami!"

"Lolo!!!" Yumakap si Aki kay Papa na nakatulala dahil nakita si Noah. Ganun din naman ang reaksyon ni Noah nang makita niya si papa.

"Apo!! Namiss kita! Magbihis ka muna ha?"

"Sige na Aki." Tumakbo naman si Aki papunta sa kwarto niya. Kahit bata pa si Aki at 6 years old lang siya, marunong na siyang magasikaso ng sarili niya.

"Anong ginagawa mo dito?"  Tanong ni papa. Halatang galit na galit siya nang makita niya si Noah.

"Magandang hapon po" bati naman ni Noah.

"Papa.. siya ang businessman na bisita natin dito. Dito muna siya tutuloy. Pa, kumalma kayo. Baka mahalata ni Aki at ni Noah." Bulong ko kay papa. Tumingin naman si papa sakin.

"Inihatid ko lang po si Aki. Mauuna na rin po ako. Babalik po akong opisina. Sige Eli."

"Sa--salamat." Pagkatapos nun ay umalis na nga si Noah.

"Eli, anong sabi niya? Alam ba niya?" Tanong naman sakin ni papa. Umupo kaming dalawa ni papa para ipaliwanag sa kanya.

"Hindi niya alam Pa. Ayoko nang guluhin pa siya. Hangga't hindi natin sinasabi na anak niya si Aki, hindi niya malalaman. Nakikita niyo naman diba Pa, ibang iba na siya. Napakasuccessful na niya. Ayoko nang maging dahilan pa ng pagkasira ng buhay niya."

"Kaya mo ba anak? Kawawa din si Aki dahil naghahanap siya ng papa."

"Hindi ko alam Pa. Ang alam ko lang, hindi pa ako handang sabihin sa kanya." Hinawakan naman ni papa yung mga kamay ko.

"Naiintindihan kita anak. Basta andito lang ako palagi para sayo ah?"

"Salamat pa." Niyakap ko siya. Buti na lang talaga nandito si papa kung hindi, hindi ko alam yung gagawin ko. Hays.

***********************************

Malapit na rin akong masanay na nandito si Noah. Kailangan ko talagang masanay dahil kung hindi, lalo lang siyang makakahalata.

"Hatid ko na kayo." Tss. Nagooffer na naman siya na ihatid kami ni Aki. ~____~

"Wag na po Mr. President! Nakakahiya po!" Aba. Himala at hindi na papa ang tawag ni Aki kay Noah at siya pa yung nahiya ah? Ano kayang nangyari?

"Aki. Bakit parang ayaw mo ata akong makasama ngayon?"

"Hindi. Hindi po sha ganun!"

"Nandito ka para sa business mo diba? Hindi para makialam ng buhay ng may buhay. Tara na Aki." Inakay ko na siya papalabas at iniwan si Noah dun. Tss. Kapag nagpatuloy to, lalo lang silang mapapalapit sa isa't isa.

"Ang saya rin palang maglakad." Nagulat naman ako nang nasa tabi na pala namin si Noah. Aish.

"Mr. President!"

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now