Chapter 10

599 12 3
                                    

Eli's POV

After ng klase namin ni Faith ay naghiwalay na kami dahil magkahiwalay na kami ng class at ang class naman na papasukan ko ay kung saan kaklase ko si Noah.

Binabanas pa rin talaga ako sa ugali niya. Naalala ko na naman yung kanina. Grabe siyang magpahiya ng babae sa harap ng madaming tao.


Pag pasok na pag pasok ko pa lang sa classroom ay bumungad na sakin ang tumatawang si Noah habang kakwentuhan sina Mike at Koby. Oo. Kaklase din namin sila. Si Simon at Charles kasi ay nasa ibang klase.


Nagagawa pa niyang tumawa matapos niyang magpahiya ng babae? Napakawalang puso talaga nito. Tss.


"Eli!" bati sakin ni Koby. Kumaway lang ako sa kanya at ngumiti.


*Baaag*

Padabog kong nilagay yung librong dala dala ko sa desk ko kaya naagaw ko yung atensyon ng mga kaklase ko. Actually, naiinis lang talaga ako kaya pati libro napagbuntunan ko.


"Opps. Sorry." ngumiti lang ako sa kanila at nagpeace sign. Bumalik na naman sila sa kani-kanilang business. Napairap na lang ako sa kawalan.

Naiinis talaga ko! Ugh. Malapit na ata ang dalaw ko kaya wala ako sa mood ngayon. Idagdag mo pa yang Noah na yan.


"Mukhang hindi maganda ang araw mo Santiago?" It's Noah. Nakaupo na siya ngayon sa tabi ko.

"Ano bang pakialam mo?" sabay irap sa kanya. Argh! Nakakabwisit!


"Whoa whoa. Chill ka lang. Wala naman akong ginagawa sayo ah?"


Anong wala? Eh araw araw mong binubwisit ang araw ko!

"Makita ko pa lang yang pagmumukha mo! Bwisit na bwisit na ko!"

"Bakit? Anong meron sa mukha ko?" napatingin ako at nagulat ako na halos magkadikit na kami ng mukha.

*Dug dug dug*

Sobrang lapit ng mukha niya sakin. Waaaaaaa.


*Dug dug dug*

Lecheng puso ito. Bat ba ako kinakabahan?


Anong meron sa mukha niya? GWAPO SIYA.

AS IN MAGWAWALA ANG PUSO MO KAPAG TINITIGAN KA NIYA. At yan ang nangyayari sakin ngayon.


"Ano Eli? Bakit hindi ka makasagot?"

Napalunok ako sa tanong niya. Bakit nga ba hindi ako makasagot? Walang salitang gustong lumabas sa labi ko! Nalunok ko na ata lahat!


"Guys! Wala daw si prof! May LBM daw kaya absent!" sigaw ng isa naming kaklase na hingal na hingal pa galing faculty room.


Tumayo si Noah na nakangisi pa rin. Saka naman ako nakahinga nang maluwag. Wew. Pumunta siya sa unahan at nagsalita.


"Sinong gustong marinig ang Serenity?" tanong niya.


"KYAAAAAAAAAAH!!!!!" sigaw ng mga babae. Nakakabingi! Pwe!

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now