Chapter 17

480 12 3
                                    

Eli's POV

"O..okay na ko Noah."

Nandito pa rin kami sa clinic hanggang ngayon. Ang kulit naman kasi ni Noah e. Sabi ko nang okay na ako, may trabaho pa ko. Papagalitan na naman ako ni boss. Hays.

"Kelangan mong magpahinga Eli. Dito ka na muna."

"Okay na nga ako Noah. Bat ba ang kulit mo? Napagod lang ako."


"Ikaw nga yung makulit dyan. Magpahinga ka na lang."


Aish. Ang kulit talaga. Akala ko suplado lang tong si Noah, ang kulit din pala. Pero himala ata at concerned na concerned sya sakin?


"Aba aba. Himala ata at ang isang Noah Immanuel Delos Reyes na hari ng school na to ay concerned na concerned sa isang katulad ko?"

Hahaha. Ngayon naman nakakatawa yung reaction nya.


"Tss.. Hindi naman ako ang hari ng school na to no. Yun lang ang tingin ng mga tao sakin."


"Malamang. Sa suplado at sa sobrang tapang mo ba naman." Haha. Blee. :p

"Tss.. Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babaeng bumangga sakin?"

HUH? Ano daw?

"Ikaw yung unang babaeng naglakas ng loob diretsuhin at prankahin ako. Ipinagtanggol mo si Faith. Dun humanga na ako sayo. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung bat lahat ng tao sa school natatakot sakin. Siguro nga mataas ang pride ko. Masama ang ugali ko. Siguro dahil ayoko rin ng pinaplastic ako."

Pinaplastic?


"Anong ibig mong sabihin?"


"Madami ngang babaeng naghahabol sakin pero alam ko kaya lang nila ako hinahabol dahil sa mayaman ako, dahil sa gwapo ako, dahil sa may banda ako at malapit na kaming sumikat. Kaya pinangako ko sa sarili ko na wag maniwala sa pagmamahal ng isang babae. Madalas pinagmamalaki nila yung mga binibigay ko sa kanila. Pero ni minsan wala akong narinig na ipinagmamalaki nila ako dahil sa magandang ugali kong nakita nila."

Hays. Ngayon, unti unti ko nang naiintindihan kung naging bakit playboy itong si Noah. Yung mga babae din naman pala ang may kasalanan e.


"Simula nung namatay si papa, natutunan kong ipagtanggol ang sarili ko. Natutunan kong lumaban. Dahil simula nun para na rin akong nawalan ng mama. Puro trabaho na lang ang inaatupag nya."


"Bakit hindi mo kausapin ang mama mo? Sabihin mo yung mga nararamdaman mo. Hindi naman ibig sabihin na lagi syang busy ay hindi ka na nya mahal."

"Tingin mo papakinggan pa nya ako? Kahit nga kilos ko kontrolado nya e. Sya ang nagpapasok sakin sa school na to. Gusto nya na ako ang magpatuloy ng business namin. Pero ang pagbabanda ang gusto ko."


Nakakaawa rin pala ang storya ng lalaking to.

"Kaya ka nagbubulakbol? Alam mo, mahal ka ng mama mo. Siguro tingin nya mas maganda ang magiging future mo sa business nyo. Pero alam mo, kung yun talaga ang gusto mo, kausapin mo sya ng ayos. Wala namang magulang na matitiis ang anak e."

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now