Chapter 14

479 12 1
                                    

Nakakatakot yung mukha ng mga lalaki. Siguro seniors na ang mga to kaya may gana silang maghari-harian sa university na to.

"Sino ba kayo? Ano bang kelangan nyo sakin?"


Lumabas sa likuran nung mga lalaki ang isang babae. Sobrang ikli ng skirt niya. Allowed ba yan dito? Well, syempre. Basta mayaman ka. It is Steff.


"A--anong ginagawa mo dito Steff?"

"Pagbabayarin lang naman kita sa ginawa mo sakin."

Una, doon sa Skating Rink. Ngayon, eto naman?


"A--anong bang ginawa ko sayo?"

Lumapit siya sakin at tinulak ako. Aba talagang! Kung wala lang tayo sa school at wala akong iniingatang scholarship, papatulan ko talaga to!

"Hindi mo alam? Huh! Pinahiya mo lang naman ako sa harap ng madaming tao at kay Noah! Ke bago bago mo pa lang dito, ganyan ka nang umasta? Anong akala mo? Ipagtatanggol ka ni Noah?"

Teka nga! Sino bang may sabing ipagtatanggol ako ni Noah? Eh galit nga ako sa kanya!

"You're such a whore! Flirt! Siguro binayaran ka ni Noah kaya ka nakapagaral dito sa school na to no?"


*SLAP*


Hindi ko na nacontrol ang sarili ko. Sinampal ko na siya.


"HOW DARE YOU?!"


Unang una sa lahat, hindi ko nilalandi si Noah. AT LALONG HINDI AKO WHORE OR FLIRT!!!!

"Wag na wag mo kong pagsasalitaan ng ganyan dahil hindi mo pa ako kilala."


Ngumisi siya sakin. Tumingin siya doon sa mga lalaking kasama niya. Umatras siya at lumapit naman sakin yung mga lalaki.

"HEY! ANO BA?! BITAWAN NIYO NGA AKO!"

Now, kinakabahan at natatakot na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin nila sakin.


"BITAWAN NIYO KO ANO BA!"

Nakarating kami sa bakanteng lote at isinandal nila ako sa pader at lumapit sakin yung pinakaleader nila.


Natatakot na talaga ako. Wala bang tao dito?! Tulungan niyo ko!!!


"A--anong gagawin mo sakin?!"


"Shhhhh. Wag kang maingay. Gusto ko lang maglaro."


Lumapit pa siya sakin. Sht.

"Makisama ka na lang kung ayaw mong masaktan."

Akmang hahalikan niya ako pero umiwas ako. Tangina!


Tulungan niyo kooooooooooo!


"Wag.. Please." naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko.

Hinawakan niya yung dalawang kamay ko para hindi ako makawala. Akmang hahalikan niya ulit ako pero umiwas ako.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora