Chapter 19

468 10 1
                                    

Eliza's POV

"Nakakainis ka alam mo yun?"

"Lagi naman akong nakakainis sayo diba?"


Okay. Barado ako dun ha. Kase naman, tama siya. Lagi siyang nakakainis para sakin. Pero habang tumatagal na magkasama kami, nababawasan yung inis na yun.

"Noah, nahihibang ka na ba?"


"Ano bang sinasabi mo dyan?"

"Eh kasiiiii........"

Hindi ko matanong kung seryoso siya dun sa sinasabi niyang date! Argggh! Kasi naman! Lagi niyang sinasabi sakin yun pero alam ko, loko loko lang yun. Ngayon, iba yung pakiramdam ko. Mas sincere siya. Mas seryoso. Ako ata yung mahihibang e!! >////<


"HOY ELI. Ano nga yun?"

"Yung about sa..... Uhm.. sa da---"


"Sa date? Hindi ako nahihibang Eli. At seryoso ako dun. Sa ayaw at sa gusto mo, magdedate tayo."


Tumingin ako sa kanya na seryoso habang nagdadrive. Seryoso nga ata talaga siya. Hays.


Hindi na kami nagusap hanggang sa makarating kami ng school. Bumaba siya tapos pinagbuksan ako ng pinto. Ang dami tuloy nakatingin saming dalawa pero etong mokong mukhang walang pakialam.


"Uhm. Noah, kelangan ba pati sa school ipakita natinh nag...nagde-date tayo?? Ka---kasi..."


Napangiti naman siya at tumingin sakin. Tapos hinawakan niya yung kamay ko. O____O


"So, ibig sabihin pumapayag ka na?"


Whaaaaaaaat?! Okay he got me!! Arghh! Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko! Siguro pinagtatawanan niyo na ako ngayon! ~___~

"HA?? E---eh ano pa bang maga--magagawa ko! Hi---hindi ka naman papaawat eh!"

Dati, nagagawa ko lang sagut-sagutin si Noah. Pero ngayon, waaaaa! Bakit hindi ko magawa?! Anong bang nangyayari sakin?! Huhuhu. TT^TT Humarap siya sakin na hawak pa rin yung kamay ko.

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. "Eli. Ikaw ang unang babaeng umiyak sa harap ko. Ikaw yung unang babaeng nagpakatotoo sakin. Ikaw yung unang babaeng naniwala na I'm not a failure. Seryoso ako sa sinabi ko."

Noah's POV

"Eli. Ikaw ang unang babaeng umiyak sa harap ko. Ikaw yung unang babaeng nagpakatotoo sakin. Ikaw yung unang babaeng naniwala na I'm not a failure. Seryoso ako sa sinabi ko."

Namumula siya sa sinabi ko. Napangiti ako. Ang cute niya talaga. Ang sarap niyang titigan. Nung una akala ko katulad lang din siya ng mga babaeng nakilala ko. Pero hindi nagtagal naging interesado ako sa kanya.

She captured my attention and probably my heart. Kapag andyan siya, bumibilis yung tibok ng puso ko. Kapag naman wala siya, hinahanap hanap ko siya. Hindi kumpleto yung araw ko nang hindi ko siya nakikita.

"Pero Noah.. Madaming---"


"Wala akong pakialam. Sabi ko naman sayo diba, handa akong ipagtanggol ka. I want to protect you." Tumingin ako sa malaking clock sa itaas ng main building ng school.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Kde žijí příběhy. Začni objevovat