Chapter 21

437 9 2
                                    

Eliza's POV

So cheap!

Napakasocial climber!

Hindi siya nababagay rito!

*beep*

Tumunog yung phone ko at unknown number yung nagmessage. Then I saw.... our picture. Picture namin ni Noah nung hinalikan niya ko sa cheeks. O.o

Pumunta ako sa bulletin board para tingnan kung ano ang pinagkakaguluhan don.

Pagdating ko don, para akong isang nakakadiring estudyante na may kung anong sakit na nilalayuan ng lahat. Lumapit ako sa bulletin board. Dun, nakita ko yung pictures namin ni Noah. Puro pictures namin. Yung nakulong kami sa music hall at magkasabay na lumabas. What the. Yung hinalikan niya ako sa harap ng seniors. Yung sabay kaming pumasok at hinalikan niya ako sa pisngi. At yung hinalikan niya ako sa skating rink. O.o

"Akala ko iba ka. Akala ko hindi ka madaling makuha kahit si Noah na yan. Mabilis ka din naman palang bumigay." paglingon ko, tama yung hinala ko. Si Steff yung may kagagawan ng lahat ng to.

"Steff.."

"Gusto mong sumikat diba? Gusto mong maging kilala sa school na to. Kaya dumidikit ka kay Noah at sa Serenity. Social climber na nga, malandi pa."

ANONG SINABI NIYA?!

"Ayan. Tinulungan na kita para maging sikat ka. Ngayon, pinaguusapan ka na ng lahat ng tao dito sa university."

"Ano bang problema mo sakin Steff?"

Nilapitan niya ako at tinulak ako kaya natumba ako. Wag kang iiyak Eli. Wag kang magpapaapekto sa mga sinasabi nila. Kapag nakita ka nilang umiyak, parang inamin mo na rin na totoo yung mga sinasabi nila.

"Anong problema ko sayo?! Isa lang naman eh! Dahil sayo nawala sakin si Noah! Inagaw mo sakin si Noah! Mangaagaw ka! Malandi!!"

She was about to slap me...

Pero may dumating na knight and shining armour para iligtas ako.

"Anong drama to Steff? Gumagawa ka na naman ng eksena sa school? Hindi ka pa rin nagmamature?"

Yung ineexpect ko na dadating, hindi dumating..

"Simon bitawan mo nga ako! Pati ba naman yang babaeng yan kakampihan mo?"

Tumayo ako at pinagpag at inayos yung uniform ko. "Simon..."

"Hindi mo ba nakikita! Malandi yang babaeng yan Simon!!"

"Tumigil ka na Steff!!!" Sigaw ni Simon kaya nanahimik ang lahat.


"Eli, tara na." hinila niya ako papalayo dun sa may bulletin board. Nakita ko pa si Faith na nakatayo lang dun at walang kibo. Sobra sobra ang kahihiyan na natanggap ko. Hindi ko naman inasahan na magkagusto sakin si Noah e. Hindi ko siya nilalandi. Alam nyo yun diba?

Nakarating kami sa bakanteng lote sa likod ng school.  Hawak hawak pa rin ni Simon yung kamay ko. Iniharap nya ako sa kanya at niyakap niya ako. Dun ako nagsimulang umiyak.

Kung pwede lang maglaho ng parang bula ngayon nagawa ko na. Hindi ko naman ginusto na maging ganito yung buhay ko sa university na to e. Kahit isa lang akong 'nobody' ayos na. Ang mahalaga makapagaral ako. Pangako ko yun kay papa e. Pangako ko sa kanya na magtatapos ako ng pagaaral.

Alam niyo yung pakiramdam na hindi ka tanggap ng mga tao sa paligid mo? Lagi ka na lang pinaguusapan. Laging pinagtitripan. Ang sakit eh. Pero nang makilala ko si Noah at ang Serenity, pakiramdam ko nagkaroon ako ng mga tunay na kaibigan. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng mga kaibigang hinding hindi ako pababayaan at handa akomg damayan.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now