Chapter 34

381 12 1
                                    

Eliza's POV

"Mas maganda ka pa rin kesa sa mga bulaklak na yan." Ano ba to. Bumibilis yung tibok ng puso ko. >< Hay nako Eli umayos ka! Tinulak ko siya at umayos ako ng tayo.

"Whoa." Napalakas ata yung pagkakatulak ko sa kanya. "ARAAAY!" HALA KA. PATAY KANG BATA KA.

"NOAH? NOAH! ANONG NANGYARI?" Hawak hawak niya yung kamay niya. Nako. Natinik ata siya. TT^TT

"Ang sakit! Araaay!" Waaaa? Hindi biro to!!

"Patingin nga!" Tinulungan ko siyang tumayo at hinawakan ko yung kamay niya. Hala. Dumudugo nga. "Sorry. Halika lilinisin natin yan." Huhu. Kasalanan ko naman talaga e. Pero may kasalanan din siya! Binibigla niya ako e! Naglakad na lang kami papunta sa bahay namin sonce medyo malapit lang naman.

"Umupo ka muna diyan." Wala siyang imik. Hawak hawak lang niya yung kamay niya habang kumukuha ako ng gamot saka benda. Tss. "Kasi naman may pabanat pang ganun. Yan tuloy natinik siya. Tss." Nakakainis. Di ako kinikilig ah!

"Akin na." Kinuha ko yung kamay niya at pinahiran ko ito nang gamot.

"A--aray... Dahan dahan naman." Tss. Nakuha pa niyang magsungit! Diinan ko kaya sugat mo. ~_____~

"Wag ka kasing malikot." Sabi ko na lang sa kanya. Hinipan ko yung sugat niya bago ko lagyan ng benda. Napansin ko namang nakatitig siya sakin? Pagangat ko ng ulo ko, nagtama yung mga mata namin. Waaa. O___O

O____________________O ------ ako

.____________________. ------------ siya

Ganyang ganyan yung mukha niya pero ang gwapo niya pa din! Arghh! Puring puri na sakin tong lalaking to! Kahit noon naman e. Tss.

"Wa--wag kang malikot ah." Pinilit kong iwasan yung mga tingin niya. Nakakailang kaya. ~_____~ Pinisil ko yung kamay niya para lumabas yung tinik at makuha ko. Kelangan kong alisin yun bago ko ilagay yung benda.

"A--aray."

"Saglit lang to." Ayun! Tinanggal ko na at napasigaw siya. Natawa naman ako. Akala ko ba ang tapang tapang neto.

"Anong tinatawa tawa mo diyan?" Tanong niya. Wahaha. Di ko talaga mapigilang di mapatawa sa kanya. Yung itsura niya kasi na nasasaktan siya para siyang bata.

"Alam mo akala ko ang tapang tapang mo pero eto lang pala katapat mo. Malayo pa yan sa bituka paiyak ka na." Hahaha. Ngayon ako naman ang mangaasar sayo! Napanganga siya sa sinabi ko. Haha.

"Ma---masakit na--naman talaga eh!" Halatang naaasar siya. Haha. Buti nga sayo.

"Akin na nga. Nang matapos na." Kinuha ko ulit yung kamay niya at nilagyan ng benda ito. "Ayan okay na."

"Salamat Eli." Sa tono nang pagkakasabi niya nun, alam kong seryoso siya kaya napatingin ako sa kanya na diretsong nakatingin sa mga mata ko. O.o "Hindi ko alam gagawin ko kapag wala ka." Haaaa? Nabingi ata ako dun. ~____~

"Ah---si--sige na.. Bu--bumalik ka na kay Mang Joey." Niligpit ko na yung first aid kit ko at tumayo na din siya. Hinawakan niya bigla yung kamay ko. Arghh!

"Sabi ni Mang Joey ikaw yung magtotour sakin dito diba? Bakit mo ko pinapaalis?" Haa? Sinabi ba ni Mang Joey yun? Hindi naman ah? Waaaa. Mang Joey naman e. TT^TT "Ano? Sige ka. Sasabihin ko kay Mang Joey na di mo ko winewelcome ng ayos dito sa inyo." Hala. Nagbanta pa ang isang to. Aish. Sige na. Sige na. ~______~

"Oo na. Ililigpit ko lang to." Hindi man ako nakaharap sa kanya, naramdaman ko yung ngiti niya. Hays. Noah naman eh. Pagkatapos kong iligpit yung first aid kit, sumakay kami ng kotse niya at dumiretso naman sa vegtable farm.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now