Chapter 7

578 14 0
                                    

Eli's POV


Hindi pumasok si Noah sa klase namin. Para tuloy may kulang sa klase. Madalas kasi siyang natutulog kapag time na to sa tabi ko. Saan naman kaya nagpunta yun? Imposible namang nasa clinic pa siya.

Natapos ang tatlong klase ko at lunch na. Nagpunta ako sa cafeteria magisa dahil wala pa naman akong nagiging kaibigan. May mga nakikilala na ako pero hindi ganun kaclose. Si Faith naman, missing in action din. Hays.


Diba siya yung girl?


Oo. Ang kapal ng mukha niya ha.


Hindi naman siya maganda.

Ayan na naman yung mga bulong bulungan nila. Ramdam kong nakatingin sila sakin e. Nang lumingon ako sa kanila, nagiwas naman sila ng tingin. Psh. Mga tsismosa pero duwag. 

After kong kumain ng mabilis, dumiretso na ako sa library para sa trabaho ko. Student Assistant ako diba? Wala naman na akong klase kaya okay lang.


"Oh Eli. Nandito ka na pala." pagwelcome sakin ng librarian. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ano pong gagawin ko ngayon?" tanong ko sa kanya.


Pumunta siya doon sa isang table na punong puno nang mga patong patong na books.

"Nakaarrange na ito in alphabetical order. Ang kailangan mo na lang gawin ay ilagay ang mga books sa tamang shelf. Eto yung list. Ikaw na bahala ha?" inabot sakin nung librarian yung 5 pages na papel. Napanganga naman ako sa nakita ko. Ang dami nito!

Ang hirap pala kapag malaki yung school mo. Grabe naman to. Ang lawak ng library nila. At wag kayo, three floors ang library na to.

Sinimulan ko na ang aking special task. Simula sa English books. Madami dami din to ah. "Ang bigat. Woo."


Seryoso. Sa English, halos lahat dictionaries and literary books kaya ang kakapal.


"Enjoy ba dito?"

"Ay Pugita!"

Jusko. Nakakagulat naman tong demonyong to. Oo, demonyo kasi ang sama sama niya.


"Pugita?"


"Oo kasi mukha kang pugita! Ano bang ginagawa mo dito Noah?" Imbis na mainspired ako sa pagaayos ng libro, nawawalan ako ng gana.


"Sa gwapo kong to, mukha akong pugita?" nakaupo kasi ako sa habang nagaayos ng libro sa pinakababang rack nang lumapit siya sakin kaya napaatras ako.

Napalunok ako kasi ayan na naman yung mapupungay niyang mga mata.


"Hi--hindi ka lang pala demonyo! Ang yabang mo pa!" tinaasan niya ako ng kilay at seryoso pa ring nakatingin sakin.

"Pero ibahin mo tong demonyong to. Dahil ang demonyong nasa harap mo ngayon ang magkakapagpabago ng buhay mo."


*Dug dug dug*

Ahhhh! Tama na nga!


"E--ewan ko sayo Noah. Wala ka bang klase?" tumayo ako para kunin yung iba pang mga libro. Sinundan naman niya ako. Err.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now