Chapter 9

510 13 0
                                    

Eli's POV

"Oh shoot! Si Chase!" Patay. Nakalimutan kong may lakad nga pala kami.


"Guys mauna na ako ha. May lakad pa kasi ako." pamamaalam ko sa kanila.

"Saan ka pupunta? Hatid ka na namin!" Koby.

"Hindi na! Kaya ko nang magisa! Nice meeting you guys!"


"Eli teka----" hindi na ko nagpapigil pa sa kanila at dirediretso lang ako sa elevator hanggang sa makalabas ako ng building at pumara ng taxi.

"Manong sa Sweet Escape po."

Nicheck ko ang cellphone ko. "Sht. Lowbat." kapag minamalas ka nga naman oh. Sigurado akong kanina pa nagiintay sakin si Chase. Baka tumatawag na yun.

"Manong pakibilisan lang po." Baka kasi mamaya nagtatampo na sakin si Chase. Mahirap pa namang suyuin yun.


After 30 mins. siguro ay nakarating na ako sa shop. Nakita ko agad siyang nakatayo dun at nagiintay. Inabot ko agad ang bayad at bumaba na ng taxi. "Salamat po!" at patakbong lumapit kay Chase.

"Chase!"


"Hay salamat Eli. Dumating ka. Akala ko naman napahamak ka na." yan si Chase. Imbis na magalit siya sakin dahil late ako, mas inuuna pa niya yung concern niya para sakin. Sobrang bait niyan.

"So..sorry. Ang-ang daming gawain sa school e. Lowbat din ang phone ko." pagsisinungaling ko sa kanya. Kapag kasi sinabi kong magkasama kami ni Noah, magaalala lang siya. May pagkaprotective din kasi siya sakin e.


"Tara."


"San tayo pupunta?"

"Bastaaa." hinila na kang niya ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko nagpapatianod na lang ako sa sarili kong mga paa.

********************************

Noah's POV

"Isang tequila nga." sabi ko sa bartender. Tumango naman agad siya at nagsimula nang magsalin ng drinks.


"Pareng Noah! Halika! Sayaw tayo!" tawag sakin ni Mike habang sumasayaw dun kasama ang mga babae niya at ang iba ko pang bandmates. Tumango na lang ako. Wala pa ko sa mood magsayaw.


Tanging neon lights lang na sumasayaw ang nagsisilbing ilaw sa bar na to. At sobrang lakas mg party music. Pagmamay-ari ni Simon ang bar na to kaya malaya kaming nakakalabas at pasok dito. Madalas rin kaming tumutugtog dito. Pero ngayon, wala kaming tugtog kaya tumambay na lang kami.

Hmmm. Ang boring naman. Makapaglaro nga muna.


Ayun chicks!


Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa bewang. Ngumisi ako sa kanya at ngumiti din siya sakin. Sexy tong isang to. Nakablack fitted tube dress siya. Kitang kita amg hubog ng katawan niya.

"Hey there." pambungad ko sa kanya. Humalakhak siya. Pasweet. Tss. Sino ba namang hindi makakatanggi sakin? I'm Noah Delos Reyes. Wala pang nakakareject sakin.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now