Chapter 11

557 13 1
                                    

Eli's POV

Ewan ko ba pero parang nagsslow-motion yung paligid habang tumatakbo kami ngayon at magkahawak ng kamay.


Hindi nagwawala ang puso ko dahil tumatakbo kami pero dahil ito sa kasama ko si Noah. Ano ba naman tong nangyayari sakin?

Una kinantahan niya ako na kahit obvious namang para sakin yun ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

Sinabi niyang poprotektahan niya ako.. Pero bakit naman niya sinabi yun?


Sinabi rin niyang honest ako at sincere. At marunong akong umiyak? Ano namang connection nun? Habang mas tumatagal ata na kasama ko siya, mas lalo akong nahihiwagaan kung sino ba talaga si Noah Immanuel Delos Reyes.

Madami akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawa. Para bang may pumipigil sakin at sinasabing hayaan ko na lang na si Noah ang mismong magopen up sakin.

Nakarating kami sa isang tagong garden. Gazebo. May ganito pala sa school na to? Ngayon ko lang nalaman to ah.


"Ang ganda." Garden talaga siya. Maraming flowers at may vines pa na nakasabit sabit. May mini falls rin dito at malaking fountain.

"Dito ako laging nagpupunta kapag gusto kong mapagisa at gusto kong sumigaw." seryoso niyang sinabi. Napatingin naman ako sa kanya at narealize kong magkahawak pa nga pala kami ng kamay kaya inalis ko ito. Awkward ha.

"Tara." humuhuni ang mga ibon at may ilang butterflies na lumilipad. Ang presko rin ng hangin dito. Sinundan ko lang si Noah at sa isang kubo pala kami pupunta. Umupo siya doon at umupo na din ako. Magkaharap kami ngayon.

"Noah..." tawag ko sa kanya.

"Hmm?" nakakapagtaka. Bakit parang ang aliwalas ng mukha niya ngayon? Bakit parang iba? Bakit ngayon mukha siyang anghel? Ang gwapo gwapo niya.

"Ba---bakit mo ko ipinagtanggol?" yan ang gusto kong itanong sa kanya kanina pa.


Tiningnan niya ako at hinawakan yung kamay ko. O.o


Anong nangyayari? *dug dug dug*

"Kasi iba ka Eli. Gusto kong mas makilala ka pa."

Yun ang sagot niya. Seryosong seryoso ang pagkakasabi niya nun.  Hindi ko maintindihan. Ang labo.

"Ka--kamusta yung likod mo?"

Binitawan niya yung kamay ko at hinawakan yung likod niya. Ngumiti siya sakin. Damn. Bakit ba hindi ko mapigilan ang pagpuri sa kanya? His actions are very breath taking. Hindi nakakapagtakang marami talaga ang nagkakandarapa sa kanya.


"Okay lang. Malayo to sa bituka." sagot niya.


"Pe--pero kailangan mong patingnan yan. Masyadong malalakas ang mga tama sayo kanina." totoo naman. Kung sakin yun, baka nawalan na ako ng malay ngayon.

"Okay lang talaga."


Tsss. Ang tigas ng ulo nito.

"Halika. Patingnan natin yan." sabi ko at tumayo na ako.  Umiling naman si Noah. Aba. Tigas talaga ng ulo!


My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now