Chapter 40

337 8 1
                                    

Eliza's POV

Naiiyak na ako dahil hindi namin makita si Aki. Saan ka na ba nagpuntang bata ka?? T^T

"Chase!! Kailangan nating makita si Aki! Pano kung magcollapse siya?! Chase si Akiiii!!!"

"Eli, kumalma ka muna hihingi tayo ng tulong kina Mang Joey." Niyakap niya ako para kumalma ako. Ang bata bata pa ni Aki. Paano kung mapahamak siya? Paano kung nakalayo siya? "Puntahan muna natin ang mga lugar kung saan siya maaaring pumunta. Mahahanap din natin si Aki. Wag kang magalala Eli."

"Paano kung may mangyaring masama sa kanya Chase? Hindi ko alam kung anong gagawin ko." Umiiyak ako habang yakap yakap ako ni Chase.

"Wag kang magalala, mahahanap natin siya. Nandito lang ako para sa'yo Eli." Kumalas ako sa yakap ni Chase. Kung ganito magiging reaksyon ko, walang mangyayari. Kailangan namin siyang mahanap.

****************************************

Third Person's POV

"Bata. Bata. Ito na yung sinasabi mong address. Andito na tayo." Ginising nung taxi driver si Aki na mahimbing na nakatulog.

*flashback*

Dahil sa namimiss na ni Aki si Noah, nagdesisyon siyang puntahan ito nang hindi alam ni Eli. Sigurado kasi siyang hindi siya papayagan ng mama niya kapag nagpumilit siya. Dala dala yung spongebob na bag niya at yung alkansya nya na puno nang barya, madaling araw pa lang ay nagantay siya nang dadaang van para sumakay.

"Manong alam niyo po ba kung saan po ito?" Pinakita ni Aki yung papel na binigay ni Noah sa kanya.

"Bata, sinong kasama mo? Malayo tong address na to ah!"

"Mag-isha lang po aku. Bahay po yan ng papa ko. Shige na po pleeeash dalhin nyo po ako dyan. Mish na mish ko na po ang papa ko ih. Pleash? May pera po aku oh." Sabay pakita nang alkansya niya sa driver.

"Bata, baka makulong ako dahil sa gagawin mo."

"Pleeeeeash? Shige na pooooo." Pagmamakaawa ni Aki sa driver. "Ilang taon po kami di nagkita pleaaaash." Nagdadalawang isip si manong driver. Maraming pwedeng mangyari habang nasa byahe sila pero hindi nila matiis si Aki.

"Aish. Sige na nga. Pero wag kang malikot dyan.. anong pangalan mo?"

"AKI PO! YEHEEEY YEHEEY YEHEEY!!" nagtatalon siya sa inuupan niya.

"Kumapit ka lang diyan ha." At pinaandar na ni manong driver yung sasakyan.

*end of flashback*

Minulat ni Aki ang mga mata niya at kinusot kusot ito. Kinuha niya ang alkansya niya at inabot sa manong driver. "Tanggapin niyo po ito."

"Naku. Hindi na Aki. Masaya ako at magkikita na kayo ng papa mo. Sige na baka iniintay ka na niya."

"Shalamat po tito driver!!" Bumaba na si Aki ng van at nakita niya ang napakalaking building sa harap niya.

"San kaya dito shi papa?" Pumasok siya ng building at nakasalubong niya ang isang middle aged na babae na nagmamadaling lumabas. Nalaglag ang panyo nang babae at pinulot ito ni Aki at hinabol. "Teka lang po teka lang po!!" Lumiko yung babae papunta sa coffee shop at nadapa si Aki sa paghabol sa kanya. Napansin naman ito ng babae kaya napahinto ito at nilapitan si Aki para tulungang tumayo.

"Bata, okay ka lang?" Ngumiti si Aki sa kanya.

"Hello po. Okay lang po ako. Eto po oh panyo niyo." Inabot ni Aki yung panyo doon sa babae nang nakangiti. Nagtaka naman ang babae dahil panyo niya lang ang nahulog pero nagawa pa rin itong ibalik ni Aki. Napansin naman niya na may sugat si Aki at dumudugo ito.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now