Chapter 30-A New Beginning

490 12 5
                                    

6 years later......

Third Person's POV

"So Sir, wala pa po ba kayong balak magpakasal? Sa mga nababalitaan po namin ay matagal nang wala kayong girlfriend." tanong ng interviewer kay Noah.

Tumawa lang naman si Noah sa tanong na yun. "Dadating din tayo diyan. Sa ngayon, gusto ko munang magfocus sa business namin. And be one of the well-known companies in the world." Sagot naman ni Noah.

"I guess magiging mas successful pa kayo Sir. Are you going to stay here in the Philippines for good?"

"Yes. Our business started here in the Philippines kaya siguro time na para naman bumalik ako sa pinanggalingan ko." Nakangiting sagot ni Noah. "I'll do my best para mapalago ang naumpisahan ng pamilya namin"

"We wish you goodluck Sir Delos Reyes." Nakipagshake hands yung interviewer sa kanya at nagbow naman si Noah bago umalis ng show.

Hinubad niya yung suot niyang coat pagdating sa backstage at sinalubong siya ni Steff.

"You did a great job." Nakangiting sinabi ni Steff.

"I always do." Malamig na sagot naman ni Noah.

"Let's have coffee? I invited them. (Serenity)." Tumingin si Noah kay Steff na para bang hindi makapaniwala.

"What?"

"Nothing. Let's go."

Kinuha ni Noah yung gamit niya at diretsong lumabas ng station.

*flashback*

@ London

Matagal bago nakapagadjust si Noah sa London. Wala siyang kilala doon at tanging si Steff lang yung kasama niya. Tumira sila sa bahay na binili ng mama niya sa London. School, bahay, school, bahay lang si Noah. Hindi siya nakikipagkaibigan sa kahit sino. Kung may mga kakilala man siya, kokonti lang.

"Noah. I'm sorry." Alam niyo naman siguro yung mga nagawa ni Steff sa kanila ni Eli diba? Si Eli, hindi pa rin siya nakakalimutan ni Noah. Lagi niyang sinesearch to sa facebook pero mukhang nagdeactivate ito ng account. Tinatawagan niya rin yung dating number ni Eli pero mukhang nagbago na rin ito ng number.

"Sorry for what?"

"Sa mga nagawa ko sa inyo ni Eli nun. Lalong lalo na kay Eli. Hindi ko alam kung paano mo ko mapapatawad pero I'm really really sorry. I love you Noah. At masaya na akong kasama kita dito ngayon."

"I don't love you. I don't even treat you as my friend. Wag ka saking magsorry. Kay Eli ka magsorry. One more thing, while we arw here, don't mention anything about our past. Let's just finish what we are supposed to do and let's get the shit back to Philippines."

Pinilit kalimutan ni Noah ang mga nangyari sa kanya sa Pilipinas lalong lalo na sa kanila ni Eli habang nasa London siya. Nagfocus siya sa pagaaral niya doon at naging cum laude nang naggraduate siya. Naging magaling din siyang acting CEO sa isang partner company ng pamilya nila doon for 2 years at ngayon nagbabalik siya sa Pilipinas..

*end of flashback*

"Noah! You're finally back!" -Charles

"Yeah yeah men! Ang laki na mg pinagbago mo!" -Mike

"Look who's here! Kumpleto na ulit tayo!" -Koby

Nagkita kita na ulit sila. Sa loob ng 6 years na hindi sila nagkasama, ang laki na ng pinagbago nila.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon