Chapter 24

405 11 4
                                    

Eliza's POV

Pinunasan ko yung mga luha ko dahil narinig ko si papa na gising na at pababa na.

"Pa."

"Good morning anak." Sabay kiss ko kay papa.

"Kain na po kayo Pa."

Umupo na kami ni Papa para kumain ng bigla siyang nagtanong. "Anak. Parang may tao dito kanina? Sino yun? May dumating ba?" Napatigil ako sa pagkain ko sa tanong ni papa.

"Ahh. Ano po kasi.. Namamalimos. Tama. Namamalimos lang po Pa."

"Umiyak ka ba anak?"

Hindi talaga ako makakalusot kay papa eh. Kilala niya ako. :(

"Bagong gising lang po ako pa. Kaya ako ganito. Hindi po ako umiyak no."

"Anak sabihin mo lang sakin kapag pinapaiyak ka ni Noah ah. Lagot sakin yun." Napangiti naman ako sa sinabi ni papa.

"Opo Pa."

"Mahal mo na ba siya anak?" Natameme akong biglang sa tanong ni papa.

"O--opo Pa. Kaso..." napayuko ako dahil naalala ko yung mama nya.

"Kaso ano anak?"

"Pakiramdam ko hindi po ako nababagay para sa kanya. Mayaman siya. Sikat. Gwapo. Lahat nasa kanya na." Totoo naman eh diba?

"Anak. Hindi sukatan yun sa pagmamahal. May rason ang Diyos kung bakit niya kayo pinagtagpo. Kung mahal ka talaga niya, ipaglalaban ka niya. Pero hindi niya kakayaning magisa. Kailangang lumaban ka rin para sa kanya. Ipakita mo lang yung totoong ikaw. Ipakita mo sa mundo na kaya ka niya pinili ay dahil nararapat ka para sa kanya." Napangiti naman ako sa sinabi ni papa. Tama siya.

"Ahmm... Pa..." sasabihin ko na kay papa.

"Ano yun anak?"

"Ba----balak ko na po sanang sagutin si Noah e."

Nasamid bigla si papa sa narinig niya. Hala. Nako! Nagulat ko ata siya! Huhuhu. "PA?! Okay lang po kayo? Sorry Pa! Kung ayaw nyo naman po e ayos lang sakin. Nasa inyo pa rin naman po yan e."

"Ginulat mo naman ako anak. Pero sigurado ka na ba talaga dyan?"

"O--opo Pa."

"Basta tatandaan mo anak. Alamin mo yung limitasyon mo. At nandito lang ako para sayo."

"Pumapayag kana Pa?!"

"Ano pa nga bang magagawa ko."

"KYAAAAAAH! SALAMAT PA!" napatalon na lang ako at niyakap si Papa. Tama siya. Kung kaya akong ipaglaban ni Noah. Ipaglalaban ko din siya. At sasagutin ko siya. Pero pano ko sasabihin? Nako naman!

Speaking of the prince. Andito na siya! Waaaaaa! Nakakahiya! Naalala ko na naman yung ginawa ko kagabi. >>///

"Oh Noah. Kumain ka muna."

"Sige po tapos na ako. Salamat po." Sabi naman ni Noah ng nakangiti. Ang ganda namang panimula ng umaga to!

"Hala sige. Pumasok na kayo at baka malate pa kayo."

"Sige po Pa. Bye po." Then nikiss ko ma sa cheeks si papa at kinuha ang bag ko. Hindi ko pinansin si Noah. Dire-diretso lang ako papalabas ng bahay. Nahihiya kasi talaga ako sa kanya. Huhuhu. Tapos iadagdag mo pa yung pagpunta ng mama nya dito.


Hays. Isa pa, iniisip ko rin kung paano ko siya sasagutin. Ang hirap naman kasi! Waaaaaa! Mababaliw na ata ako. Pero ang kelangan ko munang gawin ay balikan yung apartment na nakita ko para sabihing lilipat na kami ni papa. Syempre ayoko namang maging pabigat kami kay Noah. Ang tagal ma rin naming andun.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now