Chapter 31

425 11 2
                                    

Eliza's POV

"Eliza."

"Oh Mang Joey. Naku. Upo po kayo." Pinaupo ko si Mang Joey. Ano kayang meron? Si Mang Joey kasi ang parang kapitan sa village na 'to. Siya ang pinakamatanda at parang leader namin. Kokonti lang ang pamilyang naninirahan dito sa village namin. Kaya lahat kami nagkakaisa, lahat kami nagdadamayan.

"Kain po muna kayo." Alok ko sa kanya.

"Nako hindi na iha. May extra ka bang kwarto dyan?" Ha? Kwarto?

"Kwarto po?" Bakit naman kaya?

"May bibisita ditong isang sikat na business man dito bukas. Para daw sa business nila yun. Napili nilang bisitahin yung farm natin. Wala naman tayong inn na malapit sa farm kaya naisip ko na baka pupwede munang dito siya tumuloy sa inyo. Pasensya ka na at ngayon ko lang nasabi sa iyo." Importanteng tao siguro yung dadating.

"Kami lang naman po ni Aki at lolo niya ang nandito. Kung ganun po, dun na lang po muna ako sa kwarto ni Aki at yung kwarto ko na lang po muna ang maaari niyang gamitin."

"Talaga? Naku maraming salamat iha."

"Walang anuman po." Nakangiti kong sinabi sa kanya. Sino kaya yung dadating? Nakakacurious naman. Kelangan ko na atang umpisahang maglinis.

"Osige mauuna na ako ah. Marami pa akong kailangang ayusin."

"Si--sige po."

Aalis na sana siya ng dumating si Aki. Hay! Nandito na ang baby ko!

"Lolo Joey!!!!" Bungad niya kay Mang Joey. Lahat ng kakilala niya binabati niya. Kaya tuwang tuwa ang mga tao kay Aki.

"Oh Aki. Kamusta?"

"Okay lang po! Nakakapagod sha school pewo ayosh lang po! Kayo po?"

"Eto medyo nirarayuma. Pero ayos naman."

"Lolo Joey, ano po yung rayuma?" Napangiti naman ako. Napakainosente talaga ng anak ko.

"Naku bata ka. Saka ko na sasabihin sayo. Aki, gusto mo bang sumama sakin pagsundo sa bisita natin bukas? Sigurado akong magugustuhan ka niya!" Hala. Si Aki isasama ni Mang Joey?

"Sige po! Sige po! Sige po! Mama, pleaseeee! Sama po ako kay Mang Joey!!! Sige na pooo! Pleaaaase!" Hala. Nagpacute pa tong batang to. Sino ba namang makakatanggi kapag nakita si Aki? Mana ata sakin yan. Hahaha.

"Osige. Pero behave ka lang dun ha?"

"Yeheeeey! Thank you mama!" Tapos niyakap niya ko. Iba talaga yung saya na nadudulot ng anak mo no. Yung mga yakap pa lang niya saka halik, napapawi agad yung pagod at hirap mo. Makita ko lang na masaya si Aki, masaya na rin ako.

***************************************

Noah's POV

"Steff you don't have to do this." Inaayos niya kasi yung mga gamit ko. Hindi naman kelangan. Sabi ko kasi wag na at ako na lang. Ang kulit talaga. Aish. Feeling niya girlfriend ko siya. Ni hindi ko nga siya gusto.

"Just let me Noah. 2 weeks kang mawawala. Mamimiss kaya kita." Tsss. Ang clingy niya masyado. Ayoko ng ganito. Buti na lang talaga hindi siya kasama dun sa pupuntahan ko kasi kung hindi, mababaliw na ata ako.

"Do you heard anything about that SouthVille? Cause I don't know anything bout that place." Tanong ko sa kanya. Malay ko ba dun. Ngayon ko nga lang narinig yun e.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now