Chapter 44

386 11 1
                                    

Eliza's POV

Tinitigan ko yung singsing na ngayon ay suot suot ko na. Mukhang mamahalin talaga to. Hindi nakakapagtaka. Kapag nawala ko to, sigurado akong lalong magagalit sakin si Noah. Aish. Ano ba naman to.

*ring ring*

"Hello pa!" Haay. Namimiss ko na agad si papa. Hindi ako nakapagpaalam ng ayos sa kanya e.

[Eli, anak kamusta ka na dyan? Si Aki kamusta?]

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na medyo awkward pa rin ako dito. Ayokong magalala si papa.

"Okay naman po kami pa. Busy po si Noah sa trabaho kaya minsan kami lang po ni Aki sa bahay. Pero okay lang po. Kayo po papa? Miss na po namin agad kayo Pa. Wag niyo kakalimutan ang gamot niyo ha."

[Mabuti naman kung ganun. Oo naman. Inaalagaan nila ako dito anak. Basta magiingat kayo dyan ha. Osige na. Ikamusta mo na lang ako kay Aki. Loveyou anak.]

"Sige po papa. Bye. Loveyou pa!" Inend ko na yung tawag. Haaay. Nako. Baka nagiintay na yun. Kailangan ko nang bumaba.


"What took you so long?"

"So--sorry."

"Let's go. Aki tara." Inakay niya si Aki at sumakay ng kotse, sinundan ko lang sila. Naupo ako sa likod katabi si Aki. Tiningnan naman ako ni Noah na parang naiirita.

"Why are you there?" Tanong niya. Huh? "Sit here. Tch." Gusto niya pala akong umupo sa tabi niya. Tiningnan ko si Aki. Nakangiti lang siya sakin. Aish. Bumaba ako ng kotse at sumakay sa unahan katabi ng driver's seat. Pinaandar na niya ang kotse. Ugh. Hindi ko alam kung bakit ba hindi ko makausap si Noah. Para kasing pagkakausapin ko siya, di niya ako papansinin. Alam niyo yung ang cold niya sakin? Tanggap ko naman na kasalanan ko din e. Pero diba dapat naguusap kami lalo na kung kaharap namin si Aki. ~_____~

Hindi nagtagal nakarating kami sa isang daycare. Kaya naman pala. Ineenroll namin si Aki sa bago niyang school. Bumaba na si Noah ng kotse at binuhat ko naman si Aki.

"Good morning po Mr. Delos Reyes...and..." tumingin yung teacher saming dalawa ni Aki. Awkward talaga. Hays. Hinawakan naman ni Noah yung bewang ko at inilapit ako sa kanya. Huh? O.o

"Eliza Delos Reyes. My wife." Did... Did he just say Eliza Delos Reyes?! Eh wala nga kaming formal na kasal. Sabagay umaacting lang naman kami. Hays. Oo. Umaacting lang kami. Ito pala yung sinasabi niyang "MARRY ME." Nagbow ako at bumati.

"Good morning po." Medyo awkward yung tingin sakin nung teacher pero syempre dahil nga sa asawa ako nitong si Noah, takot lang niya kay Noah.

"Ipapakita ko po sa inyo yung magiging classroom ni Aki. This way po." Inakay ko si Aki at naglakad na kami. Okay lang naman. Very child friendly yung classroom. Iniwan muna kami ni Noah para ienroll si Aki. Naglibot libot lang kami sa paligid ng daycare.

"Ano Aki? Okay ba yung bago mong school?" tanong ko sa kanya.

"Opo mama! Ang ganda po dito! Woooow!" Nakita ni Aki yung playground. Pumunta agad siya dun sa swing.

"Magiingat ka Aki!" Tuwang tuwa siya habang nagsswing. Nakakatuwa siyang tingan. May lumapit sa kanyang bata tapos tinulak siya kaya natumba si Aki. O____O

"Aki!!" Tatakbo na sana ako pero lumapit si Noah kay Aki.  Binuhat niya si Aki.

"Nasan ang mama mo? Anong ginawa mo sa anak ko?" Pagtataas niya ng boses dun sa bata. Grabe naman siya! Bata pa rin yun. Umiyak naman yung batang tumulak kay Aki.

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now