Chapter 35

381 12 0
                                    

Noah's POV

"Ano? Wala sa plano yang sinasabi niyo." Darn it. Hindi ko alam na all these time, ganito pala ang pinaplano nila. "Wala na ba kayong makikitang ibang paraan? Bakit yun pa?" Hindi naman kasi makatarungan yung iniisip nila e.

"I'll think about it." Arghh! Lalo tuloy akong naguguluhan. Binaba ko yung phone. Napaface palm na lang ako dahil sa problema sa kompanya at sa business namin. Hays. Nakakainis. Nakakabwisit. Pumasok ulit ako sa kwarto at nakita kong nakatulog na si Eli sa pagbabantay kay Aki. Napakainosente nilang tingnan. Nilapitan ko silang dalawa.

"Mapapatawad mo pa kaya ako Eli?" Damn. Hindi ko mapigilan yung luha ko. Ikaw ba naman yung iwan at hindi alam kung babalikan ka pa, siguradong sobrang sakit nun. Pero ginawa ko lang naman yun para sa kanya. Ginawa ko yun para makuha ko kung anong nararapat para sakin para makawala na ako sa mama ko at makasama si Eli. Pero hindi pa rin pala. Nakatali pa rin ako sa kamay ng mama ko. "Sorry Eli ha. Sorry kung iniwan kita. Gusto kong magpaliwanag sayo pero hindi ko alam kung papakinggan mo pa ako. Gusto kong malaman kung may puwang pa ba ako diyan sa puso mo. Pero ngayong nandyan na si Aki sa buhay mo, alam kong ang papa na niya yung laman ng puso mo. Do I still have a place in your heart? Are you willing to give me another chance?" Hindi ko alam ang sagot. Hindi ko masabi sa kanya sa personal. Tae naman kasi. Siguro ayoko ring malaman kung ano man ang isasagot niya. Hays.

"Anong ginagawa mo diyan?" It was from a familiar voice. Paglingon ko, si Chase na nakatayo sa pinto ang nakita ko.

"I was just checking on them." Napatawa naman si Chase sa sinabi ko.

"Checking on them? Bakit kaano-ano mo ba sila? Sa kabila ng ginawa mo kay Eli, ang kapal mo din nga namang magpakita pa sa kanya no? Alam mo ba kung gaano kasakit yun para kay Eli?" Ano bang sinasabi niya? "Alam mo ba kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya para makabangon ha?"

"Chase. Hindi ko ginustong iwan si Eli. Hindi mo ako maiintindihan. Hindi ko alam kung anong pinagdaanan niya? Sa tingin mo ba alam mo kung anong pinagdaanan ko? Sa tingin mo ba nagpapakasarap lang ako sa London?" Nakakairita siya ha. Akala mo kung sinong makapagsalita. ~_____~ Kinuwelyuhan niya ako at tiningnan sa mata. Pigilan niyo ako. Ayoko lang patulan 'to. Kapag ganitong I'm in a bad mood.

"Layuan mo si Aki at si Eli kung gusto mo silang makitang masaya." Pagbabanta niya sakin. Tssss.

"Wag kang magalala Chase. Business is business. Pagkatapos ko dito, hinding hindi na ako magpapakita sa inyo."

***************************************

Hindi ako makatulog. Hays. Napapaisip pa rin ako sa plano ng kompanya namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag dumating ang representative ng kompanya namin dito. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila.

Lumabas muna ako para magpahangin. Medyo late na rin. Ang lamig dito. Umupo ako dun sa swing sa may garden ng bahay nina Eli. Simple lang yung lugar na ito pero napakapeaceful. May tao ba dun? Parang may tao e. Napalingon ako sa may pintuan at nakita kong nakasilip si Aki. Bakit gising pa siya? Nginitian ko siya kaya lumapit siya sakin.

"Hello po Mr. President. Bakit gishing pa po kayo?" Tanong niya sakin. Kahit 6 years old lang tong si Aki, makikita mo talagang matalinong bata siya. Kahit bubulol bulol pa siya sa pagsasalita, naiintindihan ko na yung mga sinasabi niya. Ngumiti ako sa kanya.

"Ikaw bakit gising ka pa?"

Napakamot siya sa ulo niya. Ang cute. Haha. "Napawiwi po kashi ako ih." Ahh. Haha. Ang cute naman talaga ng batang to oh. Ang srapa ampunin. "Bakit nga po gishing pa kayu?"

My Last Wish (Inspired by Autumn Concerto)Where stories live. Discover now