Chapter 11

27.6K 912 73
                                    

Someone told me she misses Sadie and Luke already. Now here they are. Enjoy reading.
———


Puyat na puyat ako kagabi, alas dos na yata akong nakatulog at nagising ng alas quatro dahil sa maaga naming biyahe. Kaya naman nang nasa eroplano na kami ay hindi ko na napigilan ang makatulog. Nagising na lamang ako nang makarinig ng PA kaya kunot noo akong nagmulat ng mata.


Nakita ko ang likod ng upoan ng flight passenger na nasa harapan ng upoan ko. Muli akong pumikit dahil sa bigat ng aking mga mata. Inayos ko ang pagkakasandal ng kanang pisngi ko at muling naging komportable doon. Nasa kaliwa ko ang bintana at nasa kanan ko naman si— what the fuck!


Mabilis akong nagmulat ng mata at bumangon mula sa pagkakasandal. Umikot pa ng panandalian ang paningin ko dahil sa bilis ng naging pagkilos ko. Nilingon ko si Luke na nagtatakang nakatingin sa akin. All this time nakatulog pala ako sa balikat niya?! Putangina?!


"Ba't gulat na gulat ka diyan?" Parang wala lang na tanong niya habang hawak ang isang magazine.


Hindi naman humupa ang inis ko at lalo pa iyong nadagdagan sa isiping sumandal ako sa kaniya! Nakakahiya at nakakairita! Sa sobrang puyat ko yata ay hindi ko na namalayan na ginawa ko iyon, argh.


Nakasimangot akong naglakad sa airport palabas. Bitbit ko ang maleta ko habang nakasabit naman sa isang balikat niya ang gitara niya. Hindi ko alam kung bakit wala siyang dalang bag, maaaring dahil nga tumakas siya o tinatamad lang siyang magdagdag ng bibitbitin. Ewan, wala akong pakielam.


Nauuna akong maglakad at mabilis ang aking lakad, pero kusa akong napahinto nang pigilan niya ang handle ng maleta ko at pilit iyong agawin sa akin.


"Let me hold this," sabi niya sa mababang tono nang hindi tumitingin sa akin.


"No thanks,"


He tsked and still insisted to carry my luggage. Nakayuko  siya sa maleta habang binubuksan ang dalawa pang butones ng dress shirt niya.


Napatingin ako doon at sinundan ang galaw ng mga daliri niyang eksperto iyong inalis. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay nahuli niya ako nakatingin doon kaya nagtaas siya ng kilay at bahagyang tumaas ang sulok ng isang labi.


Sa gulat ko ay padabog kong binitawan ang maleta at mabilis siyang tinalikuran para mag abang ng taxi. Hindi naman siya nagmadali sa paglalakad at nang lingunin ko siya ay nakita ko ang mausyosong tingin sa kaniya ng mga tao.


May ilang naglabas ng kanilang mga cellphones para pasimpleng kuhanan siya ng litrato. May mga nagbubulungan at naghahagikgikan sa gilid. Ang iba ay umaamba pang lalapit pero napangungunahan ng hiya.


Napaikot ako ng mata habang pinapanood siyang maglakad ng may buong kumpyansa. Nakasuot na ang aviator niya at nakahawak sa strap ng guitar case na nakasabit sa balikat niya ang isang kamay, habang ang isa naman ay hinihila ang maleta ko.


Nagtagpo ang mga mata namin nang mag-angat ako ng tingin sa kaniyang mukha. Diretso ang tingin niya sa akin at walang pakielam sa mga babaeng halos magkandarapa para lang malapitan siya. Lihim akong napamura sa isip ko nang maamoy ang pabango niya kahit papalapit pa lang siya sa kinatatayuan ko.



"Where are you going?" Tanong niya nang makalapit.


Nakatanaw pa rin ang mga babae sa amin kaya nairita ako sa atensiyong natatanggap. Pasimple akong umirap sa hangin at inagaw ang maleta ko pero inilayo niya sa akin iyon dahilan para tignan ko siya.


"Ang sabi ko, saan ka pupunta?" Ngayon ay mas matigas nang tanong niya.


Kinunotan ko siya ng noo, "Pakielam mo? Akala ko ba may pupuntahan ka rin dito? Puntahan mo na at maghiwalay na tayo ng landas." Sabi ko at pilit na inaabot ang maleta ko pero nag ikutan lang kami dahil itinatago niya iyon sa likod niya.


La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now