Chapter 44

30.6K 995 326
                                    

I was right. It was awkward when kuya Larry went out of the Limousine to open my door. Now, all the other people outside are gawking at me. Even my dress is not suitable in this place!

Lumabas ang ilang mga officers na nagbabantay sa kulungan. Muntik pa silang sumaludo kung hindi lang ako kaagad nakita. Napuno ng pagtataka ang mga mukha nila at nagulat pa ako nang sumunod pala ang mga bodyguards sa akin. Lalo tuloy akong nag mukhang first lady ng bansa!

The guards automatically scattered themselves to cover my space. Dahil doon, napalayo ang mga tao at dumami pa silang nakikiusyoso. Kahit pa gustohin kong mahiya dahil sa peklat ko, ay taas noo na lang akong naglakad papasok.

"G-good morning, ma'am, sino po sila?" Tanong ng isang lalaking pulis. Sumulyap pa siya sa tattoo ko. Tinignan ko siya.

"I'm here to visit someone. Where should I log?" Malamig na tanong ko.

Nanlaki naman ang mga mata nila at kaagad na hinanap ang logbook sa kung saan. Nang mahanap nila ito ay pinagpagan pa ng isa bago ibinigay sa akin.

"B-ballpen! Ballpen bilis!"

"Eto ballpen!"

Gusto kong matawa sa pagka balisa nila. Sa huli ay tumikhim na lang ako at pilit na nag seryoso. Nang isinulat ko ang pangalan ko ay nakadungaw sila sa papel. Nagtaas ako ng kilay nang magsinghapan sila dahil sa 'Eleanor' na isinulat ko roon.

Nang lumingon naman ako sa labas ay nakadungaw na rin ang mga tao rito sa loob at sinisilip ako. Ang iba sa kanila ay halos lumuwa pa ang mga mata dahil sa limousine na nakikita.

Isinulat ko ang pangalan nina Ray at Benjie. Hindi ko alam ang pangalan ng nanay ni Ray kaya hindi ko na isinulat.

Nang matapos akong magsulat, ay tipid akong ngumiti at ibinalik ang logbook. Marami ring dumadalaw ngayon, pero hinatid nila ako sa isang pribadong kuwarto kung saan ako maghihintay.

Isang maayos na kuwarto ang pinasukan ko. May table at mga trophies at diplomas. May mga picture rin ng matandang lalaki na naka uniporme. I figured that it is actually an office. Hindi ganoon kalaki, pero disente at malinis. Naupo ako sa sofa na nasa harapan lang ng lamesa. Paharap iyon sa pintuan kaya't ako ang bubungad sa sinumang papasok.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si kuya Larry.

"Yes, ma'am."

"Kuya.. puwede mo ba 'kong samahan dito? Medyo kinakabahan kasi ako," sabi ko at kaagad na inayos ang aking boses. Hindi na sumagot si kuya Larry. Binaba niya ang tawag kaya itinago ko ang cellphone ko.

Maya-maya pa, ay bumukas ang pinto. Akala ko si kuya Larry na, pero nang bumungad sa akin ang payat at puyat na si Benjie ay napalunok ako.

Ngumisi siya sa akin habang nakaposas at hawak ng isang lalaking officer. Pinaupo siya sa upoang malayo sa akin pero natakot pa rin ako. Huling kita ko sa kaniya ay tinututukan niya ako ng baril. Narito pa rin ang galit sa dibdib ko sa isiping siya ang pumatay sa nanay Ida ko. Kumuyom ang aking mga kamao sa pagliliyab ng galit.

Kung puwede ko lang siyang ipapatay kay kuya Larry.. pero hindi naman iyon ang trabaho niya. Bumuntong hininga ako at tuluyan nang kinalma ang aking sarili. Bumukas pa ang pinto at pumasok na si kuya Larry. Kaagad siyang lumapit sa akin at tumayo sa gilid ko kaya kahit papaano ay napanatag ako. Taas noo kong inirapan si Benjie at itinutok ang buong atensiyon sa pintuan.

Muli itong bumukas, at sa pagkakataong ito, ay iniluwa niyon ang babaeng sanhi ng lahat ng ito. Nagngitngit ang mga ngipin ko nang masilayan ang pula niyang buhok. Bahagya akong nagulat nang maliit na ang buhok niya. Pareho kami ng haba at wala siyang mga piercings, marahil ay bawal iyon dito.

La Cuevas #3: Beautiful ScarsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin