Chapter 43

30.4K 892 199
                                    

Cw: Physical harm.




A hot tear escaped from my right eye as I shut it closed. Luke.. I'm so sorry..




Pinilit kong manatiling gising. I know I can stay conscious. Hindi naman ganoon kabilis mawalan ng malay kung chloroform ang dahilan. Hinayaan ko lang na pumikit ang mga mata ko dahil nakakasakit ng ulo iyon. Nakakahilo.




Kinunot ko ang aking noo at mahinang dumaing. Right, my phone! Pilit kong binuksan ang mga mata ko at inabot ang aking bag. Hindi pa rin ako makabangon. Pakiramdam ko ay napaka bigat ng ulo at katawan ko. Kahit pa ganoon, nakangiwi kong hinila ang bag ko. I need to call anyone to get myself out of here. Hindi ako papayag na basta  nalang niya makuha!




Binuksan ko ang zipper at ipinasok ang aking kamay. I was searching for my phone without looking at it when a harsh bump from the back made the car almost fly!




"Ah!" Sigaw ko nang malaglag ako sa sahig ng backseat. Tumama ang ulo ko sa sahig ng kotse at lalo pang sumakit iyon.




"Putangina, sino naman 'to?!" Rinig kong asik ni Benjie at pilit niyang pinaandar ulit ang kotse.




Hindi ko na maipinta ang mukha ko. Hawak-hawak ang ulo ko, ay pinilit kong bumangon. Kung sino man ang umaatake sa amin ngayon, ay siguradong hindi ang mga bodyguards ko. I still have to contact them.




Muli kong binuksan ang bag ko at— isang malakas na hila sa buhok ko ang nakapagahinto sa akin.




"Ano'ng ginagawa mo, ba't 'di ka pa nakakatulog?!"




"Ah! B-bitawan mo 'ko!" Mariin akong pumikit at pilit na inaalis ang kamay niya sa buhok ko. Isang kamay niya lang ngayon ang nagmamaneho at nakita ko pa ang mabilis na pagdaan ng malaking Ducati sa gilid namin.




Doon na ako nabuhayan ng loob. It was Cora! Kahit naka itim na helmet ay nakilala ko ang damit niya. Nagtatagis ang mga ngipin ko. Huminga ako ng malalim at buong lakas na sinipa ang backseat para maitulak ang sarili papunta sa dashboard. Nang mapunta ako sa harapan niya, ay kaagad kong inalis ang mask niya.




"Puta! Tangina ka talagang babae ka!" Naalis ang pagkakahawak niya sa buhok ko at nakipag-agawan sa mask. I just need to buy some time. Sasakit rin ang ulo niya, manghihina rin siya.




Sinampal niya ako dahilan para humampas ang ulo ko sa dashboard. Ng paulit-ulit. Hindi na ako makasigaw. Itinapon ko ang mask niya sa backseat kaya lalo siyang nainis sa akin. Nakita ko ang pagpipigil niyang huminga habang nagmamaneho at sinasampal ako.




Ang kalahating katawan ko ay nasa pagitan ng driver's seat at shotgun. Habang ang ulo ko naman ay nasa upoan ng shotgun seat. Hilong-hilo na 'ko. Nararamdaman ko na ang pamamanhid ng mukha ko, at hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig ko.




"Puta, puta!" He's cursing nonstop as he advance the car. Batid kong hanggang ngayon ay hindi pa rin kami iniiwan ni Cora. Namamanhid ang mga kamay ko, masyado na rin akong mahina para magsalita. Lalo pang naitutok sa aircon ang mukha ko kaya hindi ko na alam kung kaya ko pa bang manatiling gising.




Bigla ko na lamang narinig si Cora sa gilid ng front seat. Sumisigaw siya pero hindi ko maintindihan. Hindi ako makalingon. Hindi ko maigalaw ang ulo ko para sagutin siya. Gusto ko siyang makita.




Maya-maya pa ay nakita ko naman siya sa gilid ng driver's seat.




"Putangina mo! Umalis ka!" Benjie yelled at her dahilan para bunggoin kami ni Cora patagilid.




La Cuevas #3: Beautiful ScarsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora