Chapter 41

34.9K 1.1K 388
                                    

Matured content ahead, read at your own risk.




Sa sobrang init at hiya na nararamdaman ko, hindi na ako nakapagpaalam nang tumakbo ako palabas doon. Bumaba ako sa second floor at didiretso na sana sa kuwarto ko nang mapagtantong baka pumunta lang si Luke doon at wala akong choice kundi papasukin siya mula sa banyo o sa balcony. Argh.




Bumaba pa ako sa first floor at nadatnan ang tahimik na sala. Nasa kuwarto na sina ate Celine at kuya Loren, ganoon din ang anak nila. Madaling araw na rin at siguradong nagpapahinga na ang mga maids. Unti-unti akong lumabas ng rest house at pinagmasdan ang madilim na dagat.




Huminga ako ng malalim at naglakad patungo roon. Wala namang tao at hindi naman siguro bababa ang mga iyon dito dahil sa sobrang kalasingan. Napalunok ako at dahan-dahang hinubad ang puting t-shirt ko. Isinunod ko na rin ang shorts ko at inalis ang pagkakaipit ng buhok ko.




Itinabi ko ang mga hinubad ko sa bahagi ng beach na hindi mababasa ng tubig. Nilingon ko ang dagat at hindi na natakot pang lumusong. Nang tumama ang malamig na tubig sa paa ko, ay kaagad na nagising ang diwa ko. Tila iyon lang ang hinihintay ng katawan ko upang mawala ang kalasingan.




Tinuloy-tuloy ko na ang paghakbang hanggang sa umabot ang tubig sa aking dibdib. Yumuko ako at nakita ang peklat ko roon. Hinawakan ko iyon at mapait na ngumiti. Isang beses kong inilubog ang buong katawan at ulo ko sa dagat para mabasa. Ang sarap sa katawan ng malamig na tubig sa malamig na gabi. Kahit medyo nakakatakot dahil madilim.. ayos lang. It's not like I'm not used to the dark. I've been friends with it before.




Dinama ko ang bawat hampas ng alon sa dibdib ko. Sa bawat pagdating ng mga ito ay tinutulak ako paurong kaya kaagad akong naglalakad ulit. Marunong naman akong lumangoy, ang kaso ay sobrang dilim panigurado sa ilalim ng tubig, wala rin akong makikita. Kaya naman nakuntento nalang ako sa payapang hangin at tubig sa aking katawan.




Tumingala ako at pumikit. Sinubukan kong mag floating, pero sa sobrang laki at lakas ng mga alon, ay pumapasok lang sa tenga ko ang mga tubig kaya tumayo na lang ako at ngumiti. Pakiramdam ko ay nawala na ang kalasingan sa katawan ko.




Huminga ako ng malalim at tinanaw ang malayong dagat. May mga maliliit na ilaw sa  pampublikong bahagi ng beach, pero hindi maririnig ang ingay ng mga tao. Kumikislap lamang ang mga ilaw na iyon at nagpapahiwatig na may sayang nagaganap.




Napahawak ako sa aking mga balikat nang umihip ang malakas na hangin. Inilubog ko ang aking sarili hanggang sa aking leeg para hindi iyon maramdaman. Natahimik ako sa pag-iisip ng nangyari kanina. Kaagad na nag-init ang mukha ko ngayong wala na ang epekto ng alcohol sa utak ko.




Shit.. did I really.. "Fuck!" Napatalon ako sa gulat nang bigla na lamang may humawak sa magkabilang bewang ko. Ikinawag ko pa ang mga binti ko upang sipain iyon, pero nang umahon mula sa tubig si Luke ay bigla akong nagsisi.




Nanlalaki ang mga mata kong tinignan siya. Beads of water came falling from his wet hair. Wala na rin siyang damit. His broad shoulders covered my whole vision of the rest house behind him. He towerd me while still, holding both sides of my waist. Mahigpit iyon at tila pinipirmi ako sa aking puwesto.




"A-anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko.




Hindi siya sumagot, pero humakbang pa siya papalapit. As if the distance earlier wasn't so fucking close already. Nagdikit na ngayon ang mga dibdib namin. Namilog ang mga mata ko at mabilis siyang itinulak, pero ipinulupot niya ang isang kamay sa bewang ko. Hinawakan ng isa niyang kamay ang magkabilang palapulsuhan ko kaya wala akong nagawa nang itulak niya ang likod ko sa kaniya.




La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now