Chapter 38

29.2K 899 298
                                    

Hindi ko na tinapos ang event. Nauna akong uumuwi sa mga kasama ko at hindi na hinintay si kuya. Nag-text naman siya na um-attend pa raw ng after party sa capitol kung nasaan ang Mayor's office kasama ang ibang mga guests na dumalo.


Bukod sa walang digil ang pag bundol ng puso ko, ay naaawa na rin ako sa mga body guards ko dahil ilang beses ko na silang nahuling pumipikit dahil sa antok kaya't nagpasya akong umuwi na.


Kinabukasan, pumutok ang balitang canceled na ang pelikulang kahapon lang ay pina-plug pa ni Jerimiah. Kumalat ang mga litrato niya noon na nakikipaglandian sa iba't-ibang matatandang aktres at maging ang mga binabaeng may kapit sa showbiz. Nagulat pa ako nang mapanood sa balita ang testimonya ng mga babaeng hinarass niya noon sa bar, mga artista at staffs na binastos niya at pati na rin ang balitang sangkot siya noon sa ipinagbabawal na droga.


Sumakit ang ulo ko sa kakaisip na baka si Luke ang may pakana noon. I know he said he'll tear down his career, pero hindi ko naman inisip na ganito! Saan ba nanggaling ang mga impormasiyong ito? Are they even true? hindi ako makapaniwala sa mga naririnig. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi kaya gawa-gawa lamang ito ni Luke? Imposible. Bakit niya naman iyon gagawin? Para saan?


Jermiah is now being bombarded with the reporters. Hindi pa raw ito nagbibigay ng pahayag, pero ito na mismo ang umurong sa mga promostions at projects niya kaya't pinagmumulta siya ng mga ito. Malaki ang babayaran niya sa ilang mga kompanya dahil sa pag breach ng kontrata.


Hindi ko tuloy alam kung matutuwa pa ako o maaawa na.  Iyon ang tumatakbo sa isip ko habang nagpoproseso ako ng ga papeles kanina.


Pinatunog ko ang sasakiyan bago ko iniwanan sa basement ng mansiyon. Ibinulsa ko ang susi at dumiretso sa loob, nang maabutan ko si kuya Sage na may kausap sa telepono.


Nasa sala siya at nakapamaywang habang nakikinig sa kausap. Hindi ko siya inistorbo at dumiretso na sa paglalakad.


"Kailan ang kasal?" rinig kong tanong niya kaya unti-unting bumagal ang lakad ko at pumunta sa kaniya. Nang mapansin niya ako ay nagtaas siya ng kilay. "Biglaan?" sabi pa niya.


Humalukipkip ako hawak ang envelope ng mga forms ko. Kagagaling ko lang sa hospital para magpass ng requirements para sa residency ko. Wala roon si kuya Loren at hindi ko na rin hinanap dahil baka nagpapahinga ito o kaya ay wala pa. Maaga pa naman at mabilis akong natapos.


"I think maisisingit naman sa schedule namin iyon, kakausapinko si Hazel.. sure, I miss you, kailan ka uuwi?.." he slightly chuckled before bidding, " E sa namimiss kita? Desisyon ka?.. hm, bye." Nang ibaba niya ang telepono ay hinarap niya ako.


"How did it went?" tanong niya sa nilakad ko.


Nagkibit ako ng balikat. "So far, good. Who's that? Sino'ng ikakasal?" Tanong ko.


"It's Lea. Tumawag din si kuya Loren kanina. Pareho lang sila ng sinabi. Aalis si ate Celine mamaya, maiiwan dito si Cohen dahil baka hindi siya matutukan ni kuya Loren. Susunod din tayo sa El Nido next week para sa kasal ng kaibigan niya."


Kumunot ang noo ko. Biglaan nga. "Kaibigan?"



Tumango si kuya. "Hm. Kuya rin ni Lea ang groom. Bride iyong magandang maid of honor nung kasal nina kuya? Tatiana. Iyong international model, hindi mo kilala?" Sabi niya kaya napatango nalang din ako. Her name dows ring a bell pero hindi ko maalala ang mukha niya. Maybe if I see her, I'll recognize her somehow. "Nag request si Lea na kami raw ang mag perform sa reception ng kasal nila, kakausapin ko pa ang manager namin.."


La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now