Chapter 37

30.1K 918 132
                                    

Kahit pa hindi ko masikmura ang pagtitig niya sa akin habang kumakain ay pinilit ko na lang ubusin ang pagkain ko. Tahimik kaming pareho habang kumakain. Mabuti na lang at may mga bottled water si Luke sa sasakiyan niya, wala kasi kaming dalang soft drinks, naiwan doon sa station.




Itinabi namin sa iisang plastic iyong mga kalat pagkatapos. At bago pa ako makapag-isip ng sasabihin, ay nag-salita na siya.




"How have you been?" Tanong niya habang nakahawak sa manibela. Pareho kaming nakaharap sa labasan ng parking, pinapanood ang mga taong walang tigil sa pag-dagsa.




"Didn't you already asked me that before? And we're not here to catch up, where's Benjie?" Diretso kong tanong nang hindi siya tinitignan. I even saw Moli and her lieutenant friend with a tall and masculine guy like Luke. Hindi ko na lang muna sila inisip.





"My men and your brothers' are on it. Sa ngayon wala pang lead kaya kailangang mag-ingat." Sabi niya.




Hindi ako nakuntento. Hindi ako nagsalita. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Bakit siya? Ano'ng motibo niya? May galit ba siya sa nanay ko? Imposible iyon. Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip dahil wala talaga siyang dahilan para gawin iyon!




"I asked to call off the engagement days before the incident happened. Both my mom and Ray's family didn't agree. I thought they would let it pass since they've been quiet for a while, but then I heard Ray talking to their men about your family, and the only name I heard was your nanay Ida.. " napasinghap ako habang nagtatagis ang mga ngipin. That bitch. "I already know that my mom's in debt to them from gambling, she's been trying to marry me off to the Taji's only daughter to save the company since she likes me. They were involve in a large local syndicate with the Lavarias. They told us that my mom's debt would dissolve after the wedding.. I don't actually mind.. at first."




Naipukol ko ang aking paningin sa lupa roon sa labas. Kumuyom ang aking kamao at pilit na pinroseso ang sinabi niya. So balak niya ngang magpakasal noon? Alam kong si nanay Ida ang topic namin dito, pero sa sinabi niya ay ibig sabihin ba noon ayos lang? Para sa utang ng nanay niya ay magpapakasal siya? Sa hindi niya naman mahal?!




O hindi nga ba talaga? Bitterness piled up in my veins. I remember him telling me that he doesn't like women with piercings. I have many, and so is Ray! Minahal pa rin niya ako, kaya anong kaibahan ko kay Ray? Asa pa akong wala siyang nararamdaman sa babaeng iyon! Sinungaling siya.




"But that wasn't the case when I met you.."




Natigilan ako. Hindi ko alam.. pero otomatikong namuo ang mga likido sa gilid ng mga mata ko. Hindi. Sinungaling iyan, Sadie. Puro kasinungalingan na lang ang alam niyang sabihin. Maniniwala ka pa ba?




"I was persistent to call the engagement off that I didn't realize the possible backlash. I was scared when I heard that, I already thought that she might abduct your mom to blackmail me since she cannot lay a finger on your family here in La Cuevas. So I went to Manila and tried to protect her, but.. "




Tumulo ang isang luha sa aking kaliwang mata. Sigurado akong nakita niya iyon kaya mabilis ko iyong pinalis. No matter how much I convince myself not to cry and not to be weak, I can't seem to fight the urge to tremble. Nangyari ang lahat ng ito dahil sa amin, sa akin.




"I saw your ex holding nanay Ida, he's pointing a sharp knife against her neck—" napahinto siya nang mapasinghot ako at ipinatong ang siko ko sa bintana. Ipinatong ko ang ulo ko sa aking kamay habang iniimagine ang ikinukuwento niya. "Are you okay?" He asked.




La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now