PROLOGUE

72K 1.4K 585
                                    

"Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at Ninoy Aquino International Airport. Please make sure one last time your seat belt is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin to make a final compliance check and pick up any remaining cups and glasses. Thank you.”




I swiftly put on my Ray-Ban aviator when I heard the public address announcement. I looked at the window beside me and saw the familiar view of Metro Manila. I gulped and inhaled heavily as I try not to tremble while examining the view. After five years.. it's still the same.




“Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport Cebu Pacific air welcomes you to Manila. On behalf of your Flight Deck Crew headed by Captain Bildan, with first officer Berches and the rest of the team, we thank you for choosing Cebu Pacific, your Airline of choice. We are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day." I heard the flight attendant's landing announcement.




Finally, the six and almost a half hours of flight from Australia to Philippines is now over. When I'm all done, I went out of the plane together with the other passengers of the flight.




Sinalubong ako ng pamilyar na klima ng Pilipinas. Naroon pa rin ang kaba at pag-aalinlangan sa pakiramdam ko pero iwinaksi ko ang lahat ng iyon nang mamataan sina Gavin na pinsan ko, at ang girlfriend niyang si Lea na naghihintay sa airport.




I automatically smiled and walked towards them. Huli ko silang nakita noong pasko dahil dumadalaw sila sa Australia. Hindi pa nila ako napapansin dahil abala si Gavin sa pag-aayos ng strap ng mini dress ni Lea at malamang ay nalalaglag ito. Si Lea naman ay nagpapalinga-linga sa paligid na tila may hinahanap, at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga magaganda niyang mata nang makita ako.




Hinampas niya ng ilang beses si Gavin sa tuwa kaya napangiwi ang pinsan ko at napatingin na rin sa akin dahil tinuro ako ni Lea. Napailing nalang ako at walang ganang hinila ang maleta ko patungo sa kanila. Hinubad ko ang aviator ko at hinawakan na lang.



"Sadie! Omg!" Lea immediately went to hug me kaya nabitawan ko ang handle ng maleta. I chuckled when she squeezed me in between her arms because of excitement.




"Hmp! Amoy Australia!" Komento niya at humiwalay sa akin.




Tinanguan ako ni Gavin kaya nginitian ko lang siya, "Kanina pa kayo?" Tanong ko sa kanila. Pinasadahan ko ng tingin ang dalawa.




Si Lea ay naka pink na mini dress at hapit na hapit iyon sa kaniyang katawan. Si Gavin naman ay naka puting dress shirt at itim na pants, galing siguro sa trabaho.




"Yup, kanina pa. Grabe, lalo kang gumanda!" Sagot ni Lea at hinayaan si Gavin na bitbitin ang maleta ko.




Nginitian ko siya at nakinig lang ako sa mga kuwento ni Lea tungkol sa kanila ni Gavin habang lumalabas kami ng airport kung saan naghihintay ang Range Rover ni Gavin.




Doon muna ako tutuloy sa Penthouse nina Gavin dahil bukas pa ang uwi namin sa La Cuevas. Bukas daw kasi darating ang private plane namin at susunduin nalang kami sa airport. Kung tutuosin ay puwede akong magpasundo nalang mula Australia hanggang Cebu, pero pinili kong mag book ng sarili kong flight dahil ayoko ng ganoon lalo pa't ako lang ang sakay ng eroplano.




Pumayag lang ako na sumabay sa kanila bukas dahil alam kong pagkatapos ng halos pitong oras na lipad ay pagod na pagod ako kaya mas maganda ngang bukas na lang. At hindi nga ako nagkamali, dahil pumipikit na ang mga mata ko habang walang tigil sa pagsasalita si Lea nang umandar ang sasakiyan.




La Cuevas #3: Beautiful ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon