Chapter 29

28.4K 1K 602
                                    

"Call me if you need anything. Magpapadala ako ng tao doon, please come back when you're completely fine."

Humiwalay ako sa yakap ni kuya Loren at tumango.  Wala na akong maramdaman. Ni hindi na ako makaiyak. Hindi rin ako nagreklamo nang malaman kong pinapaalis niya sina Luke sa La Cuevas heights. Iyon ang tawag sa villa na tinitirahan nila Luke. Dahil sa kabastusan ng pagtanggap ni Ray sa amin noong isang gabi, ay nagpagawa kaagad ng notice si ate Celine para mapaalis sila. After all, Eleanor ang may pinaka malaking shares at investments sa lahat ng high end villas dito sa La Cuevas.

Ang alis namin ay dapat sa katapusan pa ng buwan, pero dalawang araw pa lang, ay narito na kami sa airport at lilipad na ng Australia.

"I will miss you.." hindi na naitago ni Lea ang kaniyang mga hikbi. Mabilis siyang yumakap sa akin. "Please take care of your self.. don't think about him na, he's not worth it!" Umiyak siya sa balikat ko.

Hindi ako sumagot. Masyado na akong pagod. Ni hindi ako makaramdam ng kahit na ano bukod sa pagod. Totoo pala na kapag nasagad ang emosyon mo ay darating ang araw at wala ka nang mararamdaman. Manhid na yata ako.

Nang yumakap naman si Lea kay Sage ay dumako ang paningin ko kina ate Celine at Cohen. Nginitian ako ni ate Celine habang si Cohen naman ay kay Sage lang nakatingin. Huminga ako ng malalim at nilingon si Kyo na nagkukusot pa ng kaniyang mga mata.

Tatalikod na sana ako at mauunang maglakad, nang bigla akong tawagin ni ate Celine.

"Sadie,"

Nilingon ko siya nang walang ekspresyon.

"I believe you," sabi niya. "I believe that you're telling the truth. I'll investigate your father's case thoroughly and make sure that she'll pay for it. I'll make her rot in jail." Sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin. "So don't think about it too much and just focus on your self."

Napalunok ako at bumuga ng malalim na hininga bago marahang tumango. I trust you, ate Celine.















Three weeks of living here in Australia, I still feel empty. Walang nagbago. Parati pa rin akong tulala sa gabi, at malamya sa umaga. Habang papalapit nang papalapit ang kasal ni Luke sa katapusan ng buwan, ay lalo akong hindi mapakali. Hindi ko lubos maisip na ikakasal talaga siya. Ni hindi man lang siya nagpakita sa akin.

Hindi man lang niya ako hinabol kahit pa siguradong nakarating sa kaniya ang balitang umalis ako ng bansa. Kahit paalam ay hindi niya nagawa. Dito kami tumuloy sa dating tinitirahan ni Gavin. May mga katulong at body guards rin kami na nasa kabilang bahay at pumupunta lang dito kapag kailangan.

Inayos ko ang higaan ko at nagsuot ng coffee cream na sweater vest sa ibabaw ng puting long sleeve. Nakasuot din ako ng itim na pants at boots kahit nasa loob lang ng bahay.

Lumabas ako ng kuwarto at nagpunta sa kusina dala-dala ang laptop at mga gamit ko. Kahit pa sukong-suko na ang utak at katawan ko, ay hindi ko maaatim na huminto sa pag-aaral. Kaya naman nag take ako ng online class para sa last sem ko. Graduating na ako at gusto ko nang makapagtapos ngayong taon.

Umupo ako sa isang stool at ipinatong ang mga gamit sa countertop.

"Yow," naramdaman ko ang halik ni kuya Sage sa ulo ko bago siya dumiretso sa loob ng kusina. Sobrang lamig pero wala siyang damit. Nakapatong lang ang towel sa balikat niya, mukhang maliligo na siya. "Hindi pa nag-luto si Kyo?"


Binuksan ko ang laptop at napagtantong late na 'ko. Bumuntong hininga ako at mabilis na sumali sa zoom. Itinabi ko ang mga papel at tumayo para magtimpla ng sarili kong gatas.

La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now