Chapter 14

25.8K 953 316
                                    

This chapter is dedicated to Ray, Jessa, Aly, Kei, Angela, Vanessa and to all of you who patiently waited for this update. Thank you,  I love you!
———

"I don't fucking wanna be inside the same room with that asshole. Aalis na ako," sabi ko at binawi ang sariling kamay ko na hawak ni Luke.


Napalingon naman sa akin si Luke at kumunot ang noo, "Do you know him?" He asked me.


"No—"


"Yes," magkapanabay na sagot namin ni Benjie. Seeing him right now makes me wanna crample his face in my hands. Nakakairita.


"Anong gulo ito? Anong nangyari— Benjie bakit may dugo iyang labi mo?" Lumabas si sister mula sa kuwartong pinanggalingan namin kanina at narinig kong papalapit na siya ngayon sa amin.


Doon ko lang din napansin na may dugo nga sa labi ni Benjie kaya bahagya akong napangisi. Mabilis naman niya iyong pinunasan at pilit na ngumiti upang iwaksi ang pagkahiya.


"Wala 'to sister, may dala ho pala akong mga pagkain para sa mga bata." Sagot niya na ikinakunot ng noo ko. He's doing charity? Si Benjie? The fuck?


"Naku, maraming salamat hijo," nang makalapit ang madre ay kaagad na nagmano si Benjie kaya lalo pang kumunot ang noo ko, what the fuck is happening?

"Kaawaan ka ng diyos.. siya nga pala, itong si Sadie ay dating taga rito at may dala siyang malaking regalo para sa mga bata.."


Pinakilala ako ng madre na siyang nakapagpaikot ng aking mga mata. Dahil doon ay muling dumapo sa akin ang paningin ni Benjie at nagtaas siya ng kilay sa akin.


"Malaking regalo?" Tanong niya.


Tumango ang madre habang nakangiti sa kaniya, "Napakalaking halaga ng idininonate niya, aba'y siya na yata ang may pinakamalaking naitulong sa orphanage na ito.."


Napuno ng pagtataka ang mukha ni Benjie habang nakatingin sa akin. Hindi mawari kung magsasalita o hindi. Sa huli ay nagsawa ako sa mukha niya kaya't nagpaalam na ako sa madre na aalis na ako.


"Ayaw mo ba munang kamustahin ang mga bata? Matutuwa silang—"


"Ayaw ko." Sagot ko at tinalikuran silang lahat, ngunit kusa ring natigilan nang magsalita na naman si Benjie.


"Mayaman ka na pala.."

Napatitig ako sa mga batang nagtatakbuhan sa harap ko, nagtatawanan at pabilis nang pabilis ang mga hakbang.

"Edi puwede mo nang ipaalis 'yong sunog na peklat mo?"  Nanigas ako sa aking kinatatayuan.


Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin habang pinagmamasdan ko ang batang babae na bigla na lamang nadapa dahil sa pag takbo. Umiyak ito at napahawak sa tuhod niyang nagdurugo na ngayon, sa laki ng naging sugat niya ay siguradong magpepeklat iyon.. ngunit siguradong mabilis rin iyong maglalaho.. hindi kagaya ng sa akin.


"O pinaalis mo na?" Muling hirit pa niya.

Kumuyom ang mga kamao ko habang nagtatagis ang aking mga ngipin. Ipinukol ko ng masamang tingin ang batang babae na umiiyak. Dapat akong ngumiti at maging masaya dahil umiiyak siya, pero may kung ano sa akin ang nagagalit dahil.. napakahina niya.


"Ano? Sumagot ka—"


Hindi na naituloy ni Benjie ang sasabihin niya nang mapasigaw ang madre. Sa gulat ko ay mabilis akong lumingon sa kanila at nakitang bagsak na naman sa lupa si Benjie. Basag ang panga at nakatingin kay Luke.

La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now