Chapter 26

26.2K 831 296
                                    

Disclaimer lang, guys. I am a Catholic, and I BELIEVE IN GOD. Every thoughts and unwanted words that may come out of Sadie's POV, are solely for the purpose of the story and are used in a fictitious manner. Thank you!
———



One week after that happened, Luke has been constantly checking on me. Nagdadala siya ng mga ointment para sa balikat ko, at tinutulungan niya akong mag linis at mag apply noon. Hindi pa rin alam ng pamilya ko na may tattoo ako, dahil hindi na ako ulit nag suot ng sleeveless top.




Hindi ko alam, pero kahit pa bumabawi na si Luke, ay hindi ko na magawang ibalik 'yung kompyansang naramdaman ko noong nakaraang lingo. Ang tagal kong pinaghandaan at inipon ang lakas ng loob na kailangan ko para magsuot ng ganoong damit. Pagkatapos ay ganoon kabilis lang dinurog.




Mahal ko si Luke. Sigurado ako roon. Humahanap lang ako ng tiyempo para sabihin kay kuya Sage. Natatakot ako na isipin niyang kabit ako dahil alam na naming lahat na ikakasal na siya.




Ang sabi ni Luke ay gumagawa na siya ng paraan, gagawin niya ang lahat para hindi matuloy ang kasal. Naniniwala akong hindi niya mahal si Ray, dahil nalaman kong siya pala ang tinataguan nito noon pa. Palagi siyang lumuluwas ng Palawan o di kaya ay nakikitulog sa mga kaibigan niya para lang maiwasan si Ray.




And he also confessed to me that night that she's the reason why he hates girls with piercings. Hinayaan ko siyang mag kuwento kung bakit galit na galit siya noon sa mga piercings. Matagal na pala siyang kinokondisyon ng mama niya na magpakasal sa babaeng iyon. At ang tanging naaalala niya lang pag nagkikita sila ay ang mga piercings, pulang buhok, at tattoo nito. Ganon din ang tingin ko dahil madali siyang matandaan sa pamamagitan noon.




Ayaw niyang nakakakita ng babaeng may piercings dahil naaalala niya na itinatali na siya ng mama niya sa babaeng hindi  niya mahal. Ayaw niyang maalala na hindi siya malaya.




Bumuntong hininga ako at isinuot na ang brown high neck long sleeve ko, at black skinny jeans. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos at nagsuot nalang ng simpleng doll shoes. Tinuyo ko ang buhok ko at inipit ng buo bago nagpabango at lumabas ng aking kuwarto.




6:30 palang kaya siguradong tulog pa si kuya Sage. Si kuya Loren ay wala rito dahil may sarili naman siyang bahay. Sina Lea at Gavin din ay siguradong tulog pa sa mga kuwarto nila.




Nagtungo na ako sa kuwarto ni daddy at nakitang gising na siya. Nakasakay siya sa wheel chair at inaayos ng isang babaeng nurse ang swero niya. Ngumiti sa akin ang nurse.




"Good morning po." Bati niya.




I smiled at her too. "Morning." Inilipat ko ang tingin kay dad. "Ready?" I asked. Nag-usap na kami kagabi, I told him that I want to spend this day with him. At sinabi ko na may ipapakilala ako sa kaniya.




Ngumiti ang daddy sa akin. "Let's go.." yaya niya.




Tinignan ko ang babaeng nurse at tinanguan. Tumabi siya para makadaan ako at mahawakan ang handle ng wheelchair ni dad. "Dito lang kami sa Villa, you can have your breakfast downstairs. Thank you." paalam ko sa kaniya.




Tumango at ngumiti ang nurse. "Salamat po." Nauna siyang lumabas ng kuwarto. Ako naman ay tumingin kay daddy na ngayon ay masayang nakaharap sa pintuan.




Tinulak ko ng marahan ang upoan niya habang hawak niya ang sariling IV pole. Nagtungo kami sa elevator na nasa loob ng office ni dad at doon bumaba.




Nang makalabas kami ng mansiyon, ay nagsulputan ang mga bodyguards. Napabuntong hininga ako at tumigil. I actually want some privacy..




La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now