Chapter 36

28.9K 870 129
                                    

"Are you out of your mind?" halos pabulong na anas ko nang ibaba ni Luke ang telepono habang nagda-drive.




Hindi niya ako pinansin. Katatapos niya lang kausapin ang manager nila at narinig ko na nag-request siyang paalisin na si Jerimiah sa event! Hindi ko nga alam kung request pa ba iyon o utos na. May karapatan ba siyang gawin iyon? Sa sobrang seryoso niya ay natakot na lang akong makielam kanina.




Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng nangyari at pagsisiksik ko sa utak ko na wala na kaming dapat pang pag-usapan, ay narito ako ngayon sa sasakiyan ni Luke.




Matapos ang insidente kanina roon sa plaza, ay nakilala ng mga malapit na tao roon si Luke. Kaagad namang nawala sa lugar si Jerimiah nang magsimulang magkumpulan ang mga tao roon. Sa sobrang bilis ng pangyayari, ay naalala ko na lang na tumatakbo kami ni Luke habang hila niya ako diretso rito sa parking kung nasaan ang sasakiyan niya.




"Where are you taking me?" Sinikap kong lakasan ang boses ko.




Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa nangyari kanina? Sa takot na baka makaapekto iyon sa career niya at kay Jerimiah, o dahil sa katotohanang nasa iisang sasakiyan kami ngayon?




Kinain ng katahimikan ang sasakiyan nang hindi na naman siya sumagot. Naiinis ako at gusto kong magalit sa inaasta niya, pero pinili ko na lamang manahimik dahil may tinawagan na naman siya sa kaniyang cellphone.




"Mang Larry,"




Napalingon ako sa kaniya nang banggitin niya iyon. Larry? Iyon bang guard ko ang tinutukoy niya? Kilala niya si kuya Larry?




"Kasama ko ho siya.. hindi rin kami magtatagal.. salamat." Nang ibaba niya ang telepono ay hindi ko na napigilang mag tanong muli.




"Is that my guard?" I asked. This time, tumango na siya pero nasa daan pa rin ang tingin. "Saan ba kasi tayo pupunta? I came there as a medic volunteer, hindi ako puwedeng umalis!" Katuwiran ko.





Kumunot lamang ang noo niya at humigpit ang kapit sa manibela. Hayon na naman iyong bumubukol niyang mga ugat sa kamay hanggang siko. Natatakpan na kasi ng sleves niya ang iba kaya hindi ko na masilayan. Ilang segundo akong napatitig doon hanggang sa mapalunok at mag-iwas ng tingin. Damn, they seem better looking now. I wonder how easy it is to try— hindi ko na naituloy ang iniisip nang bigla kaming makarinig ng wirdong ingay.




Napakurap ako at naestatwa sa kinauupoan ko nang maramdamang natigilan din si Luke. Kapwa kami tahimik na parang may dumaang anghel. Ako naman ay halata na ang pamumula at labis na pagkahiya habang kinukumbinsi ang sarili ko na hindi sa tiyan ko galing ang ingay na iyon. Pero nang muling kumalam ang sikmura ko ay hindi na ako nakatiis. Napapikit ako at naaasiwa siyang tinignan.




Nagsalubong ang mga mata namin, galing sa tiyan ko ang paningin niya bago nag-angat sa mukha ko kaya sinadya niyang umubo siya ng mahina bago muling humarap sa daan. "Let's eat lunch first," aniya nang hindi ako tinitignan.




"Kakain naman talaga dapat ako kung hindi lang kayo sumulpot na dalawa!" Asik ko at inirapan siya. Ipinatong ko ang siko ko sa may bintana at hinawakan ang aking kanang sentido. Kung pupuwede lang akong kainin ng upoan ko ngayon ay kanina pa ako nag palamon.




"Then you should've went out of there before he could even corner you." Sagot naman niya.




Iritado ko siyang nilingon. "Sa tingin mo hindi ko ginawa? I was about to exit the plaza—"




La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now