Chapter 3

30.2K 1K 218
                                    


Kumakain kami ngayon sa dining table ng aming almusal. Nandito pa rin sina Gavin, Lea, Celine at Cohen. Si Loren ay wala na dahil maaga ang duty sa hospital at si daddy ay hindi pa gising.



Nag-uusap sila tungkol sa lovelife ni Sage na hindi niya ikinukwento sa amin nang maisatinig ko ang tumatakbo sa isip ko.



"Sa tingin niyo, paano napunta ang parasite sa tae?"



"What the fuck?!" Reklamo ni Lea at muntikan pang masamid sa juice na iniinom niya.



Nagtaas ako ng kilay kay Sage na umuubo ngayon dahil nabulunan yata sa pagkaing isinubo niya. Si Celine naman ay nag-iwas ng tingin at pilit na nginitian si Cohen. What the hell is their problem?



"Save that later Sadie, we're eating." Si Gavin ang sumagot na ikina angat ng parehong kilay ko. Bahagya akong ngumisi at pinagmasdan silang mawalan ng gana sa pagkain.



"Pasalamat talaga 'to birthday niya kahapon." Bulong ni Sage kay Gavin na hindi ko na lang pinansin. Maybe I should ask Loren later through the phone.



Ngayon ang balik nina Lea at Gavin sa Maynila. Sina Celine at Cohen naman ay uuwi na rin sa Royal Village at maiiwan na naman kami ni Sage dito kasama si daddy.



Well may klase ako ngayon kaya bahala na si Sage dito, tapos naman na siya ng pag-aaral kaya kumpanya na ang inaasikaso niya ngayon habang nag-aaral pa si Lea.









"Class, don't forget to bring your own patient on the practicals next week. That's all for today." Sabi ng prof namin habang unti-unting nalalagas ang buhok niya— biro lang, kakatapos niya lang iannounce ang mga grades namin at mataas naman ang mga marka ko.



Hinintay ko munang makalabas ang halos lahat ng mga kaklase ko bago ako lumabas at maghubad ng PPE.



"Sana all pumasa sa blood banking!" Nilingon ko si Lovely na nagtatanggal ng kaniyang gloves at mask. May hair net pa rin sa mga ulo namin dahil kalalabas lang namin ng lab.



"True! Pota, iyon na nga lang sana ang pambawi ko dahil bagsak ako sa practical exam last month. 'Yung moving system, mali mali ang spelling ko ng mga bacteria at parasites dahil ambibilis nilang pumindot ng buzzers! Napepressure tuloy ako, nakakainis!" Sagot naman ni Izza.



"E kamusta pa ako? Mali ako ng arrow na sinundan noon kaya  nagulo ko iyong rotation ng buong batch! Galit na galit si panot e, nahihilo na nga ako kakaikot natin!" Now it was Cathleen.



I'm not close with anyone here but I must say they are the most approachable and jolly ones in our block, and I don't like the fact that they're too loud when they're talking. Malalaman mo talaga na kasama mo sila sa perimeter dahil maririnig at maririnig mo ang bawat buka ng mga bunganga nila.



"Aw, pinagalitan! Hahaha!"



"Oh talaga Lovely? Hindi ka pinagalitan kasi mali mali 'yung numbering mo tapos no erasures kaya wala kang score?"



"Punyeta!"



It was a hectic month indeed. Medtech is really not the easiest course. Actually, nagsisimula ang kalbaryo ng isang medtech student pag tungtong ng third year dahil iyon ang pinaka cruicial at exciting na year para sa amin. Mahirap sobra, it's like the survival of the fittest. Kung mahina ang sikmura mo at takot ka sa karayom ay first year pa lang laglag ka na.



Marami na akong pinagdaanan sa Maynila kaya hindi na bago sa akin ang mga ganitong bagay ngayong fourth year na ako. Pero gayun pa man ay hindi ko pa rin maiwasang mahirapan.



La Cuevas #3: Beautiful ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon