Chapter 4

28.9K 1K 389
                                    

"Wait, are you the one who called me earlier? The blood thing?" He asked confused.



Narinig ko ang mga yapak ni Sage palapit kaya hindi muna ako sumagot. "Oh, Luke, anong meron—"



"Bro, tell your sister that she's creepiest person I've ever met." Agad na sabi ni Luke at tinalikuran kami. Hinayaan namin siyang maglakad paalis.



Kunot naman ang noo ni Sage habang nagtataka sa ikinilos ni Luke. Nang lumingon siya sa akin ay nang-aakusa ang kaniyang mga tingin.



"What did you do to him?" Tanong niya na kung maka tingin ag para na akong pumatay.



Nagtaas ako ng kilay at nagkibit balikat. "I was just asking for some blood," depensa ko na dahilan para humagalpak siya ng tawa. The transition of this shithead..



Humalukipkip ako at pinagmasdan siyang maningkit ang mga mata dahil sa labis na pagtawa. Pumapalakpak pa siya kaya lalo siyang nagmumukhang tanga sa paningin ko.



"Jesus, Sadie, I'm sure you didn't even started the conversation the right way. Go tell him to have breakfast with us. " Utos niya at tinapik ang balikat ko kaya inirapan ko siya at hinayaang makaalis.



Tinanaw ko ang malaking pintuan kung saan lumabas si Luke at mabilis na hinarang ang isang maid na dumaan sa harapan ko.



"Wait," I stepped in.



Nagulat naman ang babaeng mas matanda sa akin kaya napahinto siya. "A-ano po 'yon ma'am Sadie?"



"Close the gates. Now." Sabi ko sa mababang tono bago siya nilagpasan at dire-diretsong lumabas.



Wala na ang sasakiyan ni Luke sa parking kaya nilakad ko ang mainit na daan patungo sa gate. At hindi nga ako nagkamali, naroon ang sasakiyan niya at bumubusina sa guard na hindi umaalis sa kaniyang puwesto.



Napangisi ako at tuloy-tuloy na naglakad papalapit sa itim na BMW nya. Bumukas ang pintuan ng driver's seat at inis niyang inalis ang kaniyang aviator, dahilan para maging malinaw sa akin ang kunot niyang noo at iritado niyang mga mata.



"Mang Isko lalabas ho ako," sabi niya sa mababa pero mariing tono. Hindi niya pa yata napapansin na papalapit ako.



"Pasensiya na po sir Luke, e pinasara po ang gate—"



"What? Sinong nagpasara—"



"Ako."



Mabigat ang kaniyang mga mata nang lumingon siya sa akin. Lalo pa yatang nadagdagan ang pagkairita niya nang madako ang paningin sa mga piercings ko na siguradong kumikislap dahil natatamaan ng araw.



"Ikaw na naman?"



"Yes, ako na naman." Napangiti ako. "Come inside, Sage is looking for you." Pagdadahilan ko dahil ayoko siyang pakainin kung kukuhanan ko man siya ng dugo mamaya, ngunit hindi naman nagbago ang ekspresyon niya.



"I don't buy that. Open this damn gate and I'm going home,"



Umiling ako at humalukipkip habang dahan-dahang naglalakad papalapit.



"You have tattoos, I don't think you're afraid of needles. So why don't you wanna do me a favor?" I asked sincerely. Why the hell won't he agree, right?



Nangunot ang noo  niya at nagtagis ang kaniyang mga ngipin. Oh anger, I like that. Nang hindi siya sumagot ay nagtaas ako ng kilay.



La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now